ESPIRITUWAL NA PAMANA
Basahin: 2 TIMOTEO 1:3-5 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 HARI 15-16; JUAN 3:1-18
Hindi ko makakalimutan ang tapat mong pananampalataya tulad ng nasa iyong Lola Luisa at ng iyong inang si Eunice. – 2 Timoteo 1:5
Bilang mga teenager, hindi namin naintindihan ni Ate nang magtiwala si Nanay kay Jesus bilang Tagapagligtas. Pero hindi rin namin maikaila ang mga pagbabagong nakita namin sa kanya. Nagkaroon siya ng higit IetpShops – Is a Nike SB x Air Jordan 8 Retro BG Three – 142 Pine Green in the Pipeline Low PSG DZ4133 , 008 Release Date – Is a Nike SB x Air Jordan 4 Pine Green in the Pipeline – Peat 305368 na kapayapaan at kagalakan. Buong katapatan din siyang naglingkod sa simbahan. At dahil gustong-gusto niya ang pag-aaral ng Biblia, nag-aral siya sa isang seminaryo. Ilang taon matapos ito, tinanggap din ni Ate si Jesus bilang Tagapagligtas at naglingkod din sa Kanya. Pagkatapos ni Ate, nagtiwala rin ako kay Jesus. Tulad nila, naglingkod din ako sa Dios. Makalipas ang maraming taon, ganoon din ang ginawa ni Tatay. Dahil sa pagtanggap ni Nanay kay Cristo, nagkaroon ng makabuluhang pagbabago sa aming pamilya, at maging sa aming mga kamag-anak.
Sa Biblia, nang isulat ni Apostol Pablo ang kanyang huling liham kay Timoteo, hinimok niya si Timoteo na magpatuloy sa kanyang pananampalataya kay Jesus. Binanggit din ni Pablo na nakita niya ang espirituwal na pamanang tinanggap ni Timoteo: “Hindi ko makakalimutan ang tapat mong pananampalataya tulad ng nasa iyong Lola Luisa at ng iyong inang si Eunice, at natitiyak kong nasa iyo rin ngayon” (2 TIMOTEO 1:5).
Parangalan natin ang mga nanay na pinipiling sumunod kay Jesus.
Kung isa kang nanay o lola, nakakaapekto sa maraming henerasyon ang iyong mga desisyon.
Mabuti na lamang at pinalaki si Timoteo ng kanyang nanay at lola sa pananampalataya. Dahil dito, naihanda at nahubog si Timoteo upang maging lingkod ng Dios.
Parangalan natin ang mga nanay na pinipiling sumunod kay Jesus. Gayundin naman, ipanalangin natin na makapag-iwan din tayo ng espirituwal na pamana para sa ating mga mahal sa buhay.
Dios Ama, salamat po sa mga maka-Dios na ina. Tulungan Mo po akong air jordan 1 retro low og sp varsity red hv6157 100 makapag-iwan din ng espirituwal na pamana gaya nila.
Isinulat ni Nancy Gavilanes


Leave a Reply