NAG-IISANG TINIG

·

·

NAG-IISANG TINIG

Basahin: 2 CRONICA 18:9-16 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 HARI 17-18; JUAN 3:19-36

Nanunumpa ako sa buhay na Panginoon na aking Dios na sasabihin ko lang ang ipinapasabi Niya sa akin. – 2 Cronica 18:13

Pagkatapos ng Paris Peace Conference, na dahilan upang magtapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, malungkot na sinabi ng Pranses na heneral na si Ferdinand Foch: “Hindi ito kapayapaan, kundi nike sabrina 2 sneaker release date pansamantalang tigil-putukan lamang sa loob ng dalawampung taon.” Makalipas ang dalawampung taon at dalawang buwan, sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Tama si Foch.

Gayundin Nike Nsw Therma – Fit Repel Puffer Jacket– JmksportShops – ladies length nike air max 95 essential black gold ang karanasan ng propetang si Micaya. Siya lamang ang nag-iisang tunay na propeta ng Dios noong kapanahunan niya, at palagi niyang ipinapahayag ang pagkatalo ng Israel (2 CRONICA 18:7). Kabaligtaran ito ng sinasabi ng apat na raang huwad na propeta ni Haring Ahab. Sabi nila kay Micaya, “Ang lahat ng propeta ay pare-parehong nagsasabing magtatagumpay ang hari, kaya ganoon din ang iyong sabihin” (TAL. 12).

Malugod na tinatanggap ni Jesus ang sinumang lumalapit sa Kanya. Wala Siyang itinataboy kahit isa.

Pero sinabi ni Micaya, “sasabihin ko lang ang ipinapasabi Niya sa akin” (TAL. 13). Ayon kay Micaya, “Nakita ko sa pangitain na nakakalat ang mga Israelita sa mga kabundukan gaya ng mga tupa na walang nagbabantay” (TAL. 16). Tama si Micaya. Pinatay ng mga Arameo si Ahab, at nagtakbuhan ang kanyang hukbo (TAL. 33-34; 1 HARI 22:35-36).

Tulad ni Micaya, madalas na salungat sa opinyon ng karamihan ang mensaheng ibinabahagi nating mga nagtitiwala kay Jesus. Sabi ni Jesus, “Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan Ko” (JUAN 14:6). Maraming tao ang ayaw sa mensaheng ito dahil masyado raw itong eksklusibo. Pero ang totoo, malugod na tinatanggap ni Jesus ang sinumang lumalapit sa Kanya. Wala Siyang itinataboy kahit isa.

Ama, bigyan Mo po ako ng karunungan upang malaman ang Iyong katotohanan.

Isinulat ni Tim Gustafson



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *