IKUWENTO MO SA KANILA

·

·

IKUWENTO MO SA KANILA

Basahin: 2 CORINTO 5:12-21 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 1 CRONICA 25-27; JUAN 9:1-23

Mga sugo kami ni Cristo, at… nakikiusap ang Dios sa inyo na manumbalik na kayo sa Kanya. – 2 Corinto 5:20

Naging isang misyonero sa isang isla sa Pacific ang kaibigan kong si Bill Tobias. Minsan, ikinuwento ni Bill ang tungkol sa isang binatang pumunta sa ibang bansa para hanapin ang kanyang kapalaran. Dinala siya ng isang kaibigan sa simbahan. Doon, narinig niya ang Magandang Balita na iniaalok ni Jesus, at nagtiwala siya kay Cristo bilang Tagapagligtas.

Nais ng binatang ito na makarating din ang Magandang Balita sa kanyang mga kababayan na “lulong sa pangkukulam.” Kaya naghanap siya ng misyonero na pwedeng pumunta sa kanila. Pero sinabihan siya ng misyonero, “Umuwi ka… at sabihin mo sa kanila ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon” (BASAHIN ANG MARCOS 5:19). Kaya naman iyon ang ginawa niya. Ilang tao rin ang tumanggap kay Jesus sa bayan nila. Pero ang pinakamalaking tagumpay ay nang maunawaan ng punong mangkukulam na si Cristo “ang daan, ang katotohanan at ang buhay” (JUAN 14:6). Matapos magtiwala kay Jesus, ibinalita niya sa buong bayan si Jesus. Dahil sa pagsunod ng binata, sa loob ng apat na taon, nagkaroon ng pitong simbahan sa kanilang rehiyon.

Ikuwento nawa natin sa iba kung ano ang ginawa ni Jesus sa atin.

Sa 2 Corinto naman, gumawa si Apostol Pablo Air Jordan Release Dates 2023 , Drip Bar Detroit , AIR Spizike JORDAN ng malinaw ike clogposite 2024 colorway na plano upang ipakilala ang Magandang Balita sa mga hindi pa nagtitiwala kay Cristo. Katulad ito ng sinabi ng misyonero sa binata. Dapat tayong maging “sugo” o kinatawan ni Cristo, “at sa pamamagitan [natin], nakikiusap ang Dios… na manumbalik [sila] sa Kanya” (5:20). May natatanging patotoo ang bawat isa sa atin kung paano tayo ginawang “bagong nilalang” ni Jesus, na “nagpanumbalik sa atin sa Kanya” (TAL. 17-18). Ikuwento rin nawa natin sa iba kung ano ang ginawa ni Jesus sa atin.

Para sa iyo, ano ang kahulugan ng kaligtasan mula kay Jesus? Paano mo ihahanda ang iyong sarili para ibahagi ang iyong patotoo sa ibang tao?

Mahal na Dios, tulungan Mo po akong ibahagi sa iba ang aking pananampalataya sa Iyo.

Isinulat ni Dave Branon



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *