NAMAMANGHA SA DIOS

·

·

NAMAMANGHA SA DIOS

Basahin: EXODUS 20:18-21 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOB 1-2; GAWA 7:22-43

Huwag kayong matakot dahil pumunta ang Panginoon dito para subukin kayo… at magkaroon kayo ng takot sa Kanya. – Exodus 20:20

“Takot na walang dahilan” sa mga bagay o pangyayari ang kahulugan ng salitang phobia. Halimbawa, arachnophobia ang tawag sa takot sa gagamba. Nariyan din ang globophobia at xocolatophobia, na ilan lang sa halos apat na raang iba pang phobia na dokumentado. Tila ba maaari nating katakutan ang kahit anong bagay.

Nabanggit rin sa Biblia ang takot ng mga Israelita matapos nilang tanggapin ang Sampung Utos ng Dios: “Nang marinig ng mga tao ang kulog… at nang makita nila ang kidlat… nanginig sila sa takot” (EXODUS 20:18). Ito ang sinabi ni Moises para pagaanin ang loob nila: “Huwag kayong matakot dahil pumunta ang Panginoon dito para subukin kayo… at magkaroon kayo ng takot sa Kanya” (TAL. 20). Nakapagtataka na para bang sinalungat ni Moises ang sarili niyang salita: “Huwag matakot pero matakot.” Subalit may dalawang kahulugan ang salitang Hebreo para sa “takot” – panginginig dahil sa takot at magalang na pagkamangha sa Dios.

Habang nakikipagbuno tayo sa takot, magandang alalahaning kamangha-mangha ang Dios natin.

Maaaring matawa nike outlets sell jordan 1 tayo kapag malaman nating takot sa lobo ang globophobia at takot sa tsokolate ang xocolatophobia. Patunay lang iyan na puwede tayong matakot sa kung anu anong bagay. Gumagapang ang takot sa buhay natin na tulad ng gagamba, at maaari rin ngang maging nakatatakot na lugar ang mundo air jordan 1 retro low og sp varsity red hv6157 100. Habang nakikipagbuno tayo sa mga phobia at takot, magandang alalahaning kamangha-mangha ang Dios natin, at pinapalubag Niya ang loob natin sa gitna ng dilim.

Anong mga bagay sa buhay mo ang kinatatakutan mo? Paano makatutulong ang pag-ibig ng Dios para hindi ka matakot?

O Dios, marami po akong takot. Payapain Mo po sana ang puso ko at tulungan akong mamahinga sa pag-ibig Mo.

Isinulat ni Kenneth Petersen



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *