NATUTUTO SA ISA’T ISA
Basahin: RUTH 2:11-12; 3:1-6 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOB 5-7; GAWA 8:1-25
May nagkwento sa akin ng lahat ng ginawa mo para sa biyenan mong babae mula pa noong namatay ang asawa mo. – Ruth 2:11
Para magkita at magkausap, inimbitahan ako ng kaibigan ko na gumamit kami ng video call para matalakay namin ang isang proyekto. Ilang taon pa iyon bago nauso ang Zoom bilang gamit sa pakikipag-usap. Nahalata niya sa tugon kong naguguluhan ako sa sinabi niya, kaya pinayuhan niya akong magpaturo sa isang kabataan kung paano ito gawin.
Patunay ang payo niya ng kahalagahan ng ugnayan ng mga taong magkakaiba ang edad at henerasyon. Katulad din ito ng kuwento nina Ruth and Naomi na nasa Biblia. Madalas ipagdiwang ang katapatan ni Ruth sa biyenan niyang si Naomi. Nagdesisyon kasi si Ruth na iwan ang bayan niya para samahan si Naomi pabalik sa Betlehem (RUTH 1:16-17). Pagdating nila, sabi ng nakababatang si Ruth, “Gusto ko po sanang pumunta sa bukid at mamulot ng mga nalaglag na uhay [para sa atin]” (TAL. 2:2). Tinulungan niya ang biyenan niyang mas matanda sa kanya. Tinulungan naman ni Naomi si Ruth para mapang-asawa niya si Boaz. Dahil sa payo ni Naomi kay Ruth, kumilos si Boaz para bilhin ang ari-arian ng namayapang nike sabrina 1 brooklyn fq3381 301 biyenang lalaki, at para akuin si Ruth bilang asawa niya (4:9-10).
May puwede ring matutunan sa mga bata, gayun din sa mga matatanda.
Ginagalang naman talaga natin ang mga karunungang ibinabahagi ng mga nakatatanda sa nakababatang henerasyon. Pero ito ang paalala sa atin nina Ruth at Naomi: maaaring maging magkabilaan ang daloy Air Jordan 11 Retro Cool Grey 2021 Cool Grey , IetpShops , Michael Jordan In The "White Cement" Air Jordan Retro IV (4) ng karunungan. May puwede ring matutunan sa mga bata, gayun din sa mga matatanda. Pagsumikapan nawa nating makabuo ng mapagmahal at tapat na ugnayan sa mga taong hindi natin kaedad. Maaaring maging biyaya iyan sa atin at sa iba, at makatulong sa atin upang matuto ng mga kaalamang bago para sa atin.
O Dios, salamat po sa karunungan ng mga bata at matatanda. Nawa mapahalagahan ko po ang pakikipag-ugnayan sa kanila.
Isinulat ni Katara Patton


Leave a Reply