PAGLALAKBAY SA BUHAY
Basahin: HEBREO 11:13-16 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOB 8-10; GAWA 8:26-40
Ngunit hinahangad nila ang mas mabuting lugar, at ito’y walang iba kundi ang lungsod na nasa langit. – Hebreo 11:16
Taun-taon, mahigit dalawang daang milyon mula sa iba’t ibang relihiyon ang naglalakbay sa mga itinuturing na banal na lugar. Kahit noon pa, malimit nang ginagawa iyan para makatanggap ng biyaya. Naglalakbay sila para marating ang templo, katedral, o dambana kung saan pinaniniwalaang matatanggap ang biyaya.
Subalit sa bansang Britanya, iba ang pananaw ng mga Celtic na nagtitiwala kay Jesus. Iniiwan nila ang kabihasnan kahit na wala silang siguradong patutunguhan. Hinahayaan nike navy acg fw18 , nike navy acg fw18 Low Release Date – SBD nilang anurin ng dagat ang bangka nila sa kung saan man. Para sa kanila, tungkol sa pagtitiwala sa Dios ang totoong layon ng paglalakbay. Sa paglalakbay mismo natatamo ang biyaya, at hindi sa lugar na sinasabing kailangang marating.
Matanggap nawa natin ang biyaya ng pagkilos at pagsama ng Dios habang naglalakbay tayo.
Mahalaga sa mga Celtic ang Salita ng Dios sa Hebreo 11. Katulad kasi sa pag-iwan sa makamundong pamamaraan at paglalakbay bilang air jordan 4 retro red thunder mga dayuhan patungo sa lugar ng Dios ang buhay ng mga na kay Cristo (TAL. 13-16). Sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Dios habang tinatahak ang mahirap na daan o lugar na wala pang daan, umuusbong sa manlalakbay ang pananampalatayang isinabuhay ng mga itinuturing na mga bayani ng pananampalataya simula pa noon (TAL. 1-12).
Pisikal man o hindi ang paglalakbay natin, mahalagang matutunan ito: paglalakbay patungo sa “lungsod na nasa langit” ang buhay nating mga nagtitiwala kay Jesus. Maraming madilim na gubat, balakid, at pagsubok sa ating daan. Matanggap nawa natin ang biyaya ng pagkilos at pagsama ng Dios habang naglalakbay tayo.
Paano ka maghahanda ngayon para tanggapin ang mga regalo ng Dios sa landas na tinatahak mo? Paano mo maaalala na hindi ang mundo sa ngayon ang tunay mong tahanan?
O Dios, salamat po sa paalalang nakakapagpalalim ng pananampalataya sa Iyo ang mga pagsubok sa buhay.
Isinulat ni Sheridan Voysey


Leave a Reply