ANG ATING SANDATA

·

·

ANG ATING SANDATA

Basahin: 2 CORINTO 10:3-6 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOB 32-33; GAWA 14

Ang sandata namin sa pakikipaglaban ay hindi makamundo. – 2 Corinto 10:4 ᴍʙʙ

Isang bagong kaibigan ang nagbahagi kay Pastor Bailey ng mga karanasan niya. Naging biktima siya ng pang-aabuso at maagang nabantad sa pornograpiya. Kaya kahit nakakilala na ang binata kay Jesus, hindi siya makawala sa adiksyon. Alam niyang hindi niya ito kayang pagtagumpayan mag-isa, kaya lumapit siya kay Pastor Bailey at humingi ng tulong.

Bilang mga tagasunod ni Cristo, nakikipaglaban tayo sa kasamaan (2 CORINTO 10:3-5). At para makipaglaban, mayroon tayong mga sandata. Pero hindi tulad ng sandata ng mundo ang meron tayo, kundi ang “kapangyarihan ng Dios na nakakapagpabagsak ng mga kuta” (TAL. 4 ᴍʙʙ). Matitibay na moog ang mga “kuta.” Pero kaya nating mapabagsak ang anumang kuta dahil “ang pagiging matuwid ang siya [nating] sandatang panlaban at panangga” (6:7 ᴍʙʙ). May iba pa tayong mga sandata ayon sa Efeso 6:13- 18. Nariyan ang Salita ng Dios, pananampalataya, kaligtasan, panalangin, at pagtulong ng ibang tagasunod ni Jesus. Mahalagang gamitin natin ang mga ito para mapagtagumpayan air jordan 1 retro low og sp varsity red hv6157 100 natin ang mga labang espirituwal, lalo 100 – Travis Scott x Jordan Jumpman Jack Trainer Sail DR9317 , Jordan 11 Win Like 96 Gym Red Sneaker tees Black Sneakerhead Grinch – IetpShops na ang mga mabibigat at matitinding laban.

Nariyan si Jesus at ang mga sandatang galing sa Kanya.

May mga pagkakataon din namang gumagamit ang Dios ng mga propesyonal gaya ng mga counselor o psychologist. Anumang paraan ang gamitin ng Dios, mahalagang malaman na hindi tayo kailangang sumuko. Nariyan si Jesus at ang mga sandatang galing sa Kanya.

Mayroon ka bang taong mahihingan ng suporta para sa mga personal mong laban? Anong armas ang kailangan mong gamitin?

Panginoon, higit po Kayong makapangyarihan sa anumang pwersa ng mundo. Tulungan Mo po akong magtagumpay sa araw na ito.

Isinulat ni Arthur Jackson



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *