PAGKALUBLOB

·

·

PAGKALUBLOB

Basahin: JEREMIAS 38:1-10 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOB 34-35; GAWA 15:1-21

Makatarungan ang Dios, at hindi Niya magagawang best nike running shoes kalimutan ang inyong mabubuting gawa at ang pagmamahal na ipinakita ninyo sa Kanya. – Hebreo 6:10

Dalawang lalaking nagtatrabaho sa pagawaan ng tsokolateng Mars ang nahulog sa isang tangke ng tsokolate. Marahil isang magandang biro ito para sa iba, lalo na sa mga mahihilig sa tsokolate. Pero seryoso ang nangyari. Bagama’t hindi sila nasaktan, hindi sila makalabas. Hanggang baywang kasi ang pagkakalublob nila. Sa huli, kinailangang butasan ang gilid ng tangke para mailabas sila nang ligtas.

Naranasan din ng propetang si Jeremias ang malublob. Hindi nga lang sa tsokolate, kundi sa isang balong puno ng putik. Ipinahayag kasi niyang kailangan nang umalis ng mga taga Jerusalem dahil “tiyak na maaagaw at sasakupin ng mga taga Babilonia ang lungsod” (JEREMIAS 38:3). Hindi ito nagustuhan ng ilan sa mga opisyal ni Haring Zedekia. Kaya hiniling nilang patayin si Jeremias “dahil pinahihina niya ang loob ng mga sundalong natitira” (TAL. 4). Pumayag naman ang hari “kaya kinuha nila si Jeremias sa kulungan at ibinaba nila sa balon… at halos Nike air jordan max 13 hologram Bred Black Red 2019 Release Date , air jordan max 1 rebel chicago white varsity red black , IetpShops lumubog doon si Jeremias” (TAL. 6).

Hilingin nating iangat ng Dios ang ating pag-asa habang hinihintay natin ang tulong mula sa Kanya.

Lumapit kay Haring Zedekia ang isa pang opisyal para sabihing “masama ang ginawa” ng iba kay Jeremias. Nakita ng hari na nagkamali siya, kaya iniutos niyang “kunin… si Jeremias sa balon bago pa siya mamatay” (TAL. 9-10).

May mga pagkakataon sa buhay na parang nakalublob tayo sa putikan, kahit pa ginagawa naman natin ang tama. Hilingin nating iangat ng Dios ang ating pag-asa habang hinihintay natin ang tulong mula sa Kanya.

Naranasan mo na bang maparusahan dahil sa paggawa ng tama? Paano ka tinulungan ng Dios?

Ama, patatagin Mo po ako habang patuloy akong lumalakad sa Iyong kalooban.

Isinulat ni Kirsten Holmberg



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *