EPEKTO SA BAWAT HENERASYON

·

·

EPEKTO SA BAWAT HENERASYON

Basahin: DEUTERONOMIO 4:1-2, 6-10 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 74-76; ROMA 9:16-33

Ituro ninyo ito sa inyong mga anak at mga apo. – Deuteronomio 4:9

Minsan, habang nag-eensayo ng basketball, hiniling ng ama ni Enrique na ipakita nila ng kanyang kaibigan marcus jordan net worth sa koponan kung paano maayos na magpasa ng bola. Kahit ilang linggo siyang nagsanay, kinakabahan pa rin siya. Kaya, nanalangin siya at ginawa ang ipinapagawa ng kanyang ama. Pagkatapos maipakita ang pagpasa ng bola, sinabi ni Enrique, “Salamat po, Panginoon!” Sinabi naman ng kanyang ama, “Ipinagmamalaki ko ang sipag at tiyaga mo, anak. Pero mas ipinagmamalaki ko na nanalangin ka at nagpuri sa Dios.” Sumagot si Enrique, “Ginaya ko lang naman ang ginagawa mo, tatay.”

Sa buong kasaysayan ng mundo, ginagamit ng Dios ang ugnayan ng iba’t ibang henerasyon para maipasa ang pananampalataya. Nang ibigay Niya ang Kanyang mga utos sa Israel, sinabi Niyang sundin nila ang mga ito nang tapat (Deuteronomio 4:1–2). Sinabi rin ng Dios, “Ingatan ninyong mabuti ang mga ito,” sapagkat magpapahayag ito ng karunungan sa ibang mga bansa (Deuteronomio 4:6). Pero, hindi lamang iyon. Inutusan din sila ng Dios na ituro ang Kanyang mga salita sa kanilang mga anak at sa susunod pang mga henerasyon (Deuteronomio 4:9–10), upang matuto silang gumalang at magtiwala sa Dios.

Hindi kailangang maging magulang o guro ng mga bata upang makaimpluwensya sa mas nakababatang henerasyon.

Hindi kailangang maging magulang o guro ng mga bata upang makaimpluwensya sa mas nakababatang henerasyon. Sa pamamagitan ng panalangin, paghimok, at pagtulong sa kanilang paglago sa pananampalataya, maaari tayong gamitin ng Dios upang magkaroon ng epekto sa mga susunod na salinlahi.

Paano ka makakatulong sa espirituwal na paglago ng iyong pamilya?

Dios Ama, tulungan Mo akong pahalagahan, paglingkuran, at ipahayag Ka sa mga tao mula sa lahat ng henerasyon.

Isinulat adidas Samba Sizing: How Do They Fit? , adidas nebzed k eh2542 negras , IetpShops ni Xochitl Dixon 



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *