IPARAMDAM ANG PAG-IBIG NG DIOS
Basahin: EXODUS 20:8-17, 20-21 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 91-93; ROMA 15:1-13
Igalang ninyo ang inyong amaʼt ina para mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibinibigay Ko sa inyo. – Exodus 20:12
Nagkaroon ng kanser at unti-unting nanghina ang ama ni Branden. Para maalagaan ang kanyang ama, hinikayat ni Branden ang kanyang mga magulang na lumipat sa kanilang bahay. Mahilig ang kanyang ama sa kalikasan ngunit hindi na niya kayang bumiyahe. Kaya naman, nagpagawa si Branden ng maliit na lawa sa likod ng bahay at nilagyan ito ng mga isda. Nagpalagay rin siya ng buhangin na parang nasa tabing-dagat, nagtanim ng mga punong saging, nagsabit ng mga ilaw at nagtayo ng lilim na mapagpapahingahan. Sa mga huling araw ng kanyang ama, para na ring nakatira ito sa isang munting paraiso.
Ipinakita ni Branden ang uri ng paggalang at pagmamahal sa magulang na nais ng Dios para sa Kanyang mga anak. Sa Exodo 20, iniutos ng Dios sa pamamagitan ni Moises na “Igalang ninyo ang inyong amaʼt ina para mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibinibigay Ko sa inyo” (Exodo 20:12). Kasunod ito ng mga utos na nagtuturo kung paano natin mamahalin at pararangalan ang ating Ama sa langit (tal. 3–8). Mula roon, itinuturo naman ng mga sumunod na utos kung paano natin pakikitunguhan ang ating kapwa (tal. 13–17).
Binibigyan tayo ng Dios ng lakas upang mamuhay sa Kanyang pag-ibig.
Madaling igalang ang mga magulang para sa ilan. Ngunit para sa iba, isa itong mabigat na hamon. Maaaring dulot ito nang sama ng loob, o nasirang tiwala. Hindi kasi madaling kalimutan ang masasakit na karanasan. Pero, maaari nating dalhin ang lahat ng ito sa ating Amang nasa langit. Nauunawaan Niya ang ating pinagdaraanan, at binibigyan Niya tayo ng lakas upang mamuhay sa Kanyang pag-ibig.
Ano ang kahulugan ng paggalang sa iyong mga magulang para sa iyo? Anong mga hadlang ang kailangan mong Air Jordan 1 Reverse Shattered Backboard vs Air Jordan 1 Obsidian – jordan 1 retro high rust pink – SBD harapin upang magawa mo ito?
Dios Amang nasa langit, tulungan Mo akong magmahal tulad ng pagmamahal Mo sa akin.
Isinulat ir jordan 4 tour yellow 200 ni Tim Gustafson


Leave a Reply