HININGANG NAGBIBIGAY-BUHAY
Basahin: GENESIS 2:1-7 | Para Yeezy 700 Hi Res Blue Archives , girls adidas black hoodie pants , Cheap Aspennigeria Jordan Outlet mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 126-128; 1 CORINTO 10:19-33
Hiningahan [Panginoong Dios] sa ilong ang tao ng hiningang nagbibigay-buhay. Kaya ang tao ay naging buhay na nilalang. – Genesis 2:7
Natuklasan ng mga mananaliksik na may isang uri ng butiki, na kayang manatili sa ilalim ng tubig nang hanggang dalawampung minuto nang hindi humihinga. Dahil sa espesyal na balat nito na hindi agad nababasa, nakakabuo ito ng maliit na bula ng hangin sa dulo ng ilong matapos sumisid. Paulit-ulit nitong ginagamit ang parehong bulang iyon sa paghinga. Ayon sa mga siyentipiko, para itong pagre air jordan 3 black cement 2024–recycle ng nakaimbak na hangin. Kahanga-hanga man ang kakayahang ito, kailangan pa rin nitong huminga upang manatiling buhay.
Sa Lumang Tipan naman ng Biblia, mababasa nating “Nilikha ng Panginoong Dios ang tao mula sa lupa. Hiningahan Niya sa ilong ang tao ng hiningang nagbibigay-buhay. Kaya ang tao ay naging buhay na nilalang” (Genesis 2:7). Nilalang ng Dios ang langit at ang lupa (tal. 4), at inanyuan Niya ang tao mula sa alabok ng lupa (tal. 7). Ngunit naging ganap lamang na buhay ang tao nang hiningahan siya ng Dios ng hininga ng buhay. Pagkatapos, nilikha Niya si Eva mula sa tadyang ni Adan (tal. 22). Bilang mga nilalang na may espiritu, maaari tayong magkaroon ng malapit na kaugnayan sa Dios sa pamamagitan ng pagsampalataya kay Cristo. Matapos mabuhay na muli si Jesus, “hiningahan Niya sila at sinabi, “Tanggapin nʼyo ang Banal na Espiritu” (Juan 20:22). Ayon sa isang dalubhasa sa Biblia, ang “paghinga” ng Banal na Espiritu sa tao ang nagbibigay sa kanya ng kakayahang magkaroon nang maayos na relasyon sa Dios.
Sa ating bawat paghinga, alalahanin natin na ito’y buhay na kaloob ng Dios.
Sa ating bawat paghinga, alalahanin natin na ito’y buhay na kaloob ng Dios. At para sa mga sumasampalataya kay Jesus, paalala rin ito ng buhay na walang hanggan at ng Espiritu Santo na nananahan sa atin at nagbibigay-buhay (Roma 8:11).
Paano ka tinutulungan ng Banal na Espiritu sa iyong espirituwal na buhay?
Mapagmahal na Dios, salamat sa kaloob Mong buhay ngayon at magpakailanman.
Isinulat ni Tom Felten


Leave a Reply