MAKINIG SA DIOS

·

·

MAKINIG SA DIOS

𝑇𝑎𝑛𝑑𝑎𝑎𝑛 𝑚𝑜 𝑛𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝐷𝐼𝑂𝑆 𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑠𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔𝑖𝑡 𝑎𝑡 𝑖𝑘𝑎𝑤 𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑛𝑑𝑖𝑡𝑜 𝑠𝑎 𝑙𝑢𝑝𝑎. 𝐾𝑎𝑦𝑎 𝑚𝑎𝑔-𝑖𝑛𝑔𝑎𝑡 𝑘𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑠𝑎𝑠𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎. – 𝐸𝑐𝑐𝑙𝑒𝑠𝑖𝑎𝑠𝑡𝑒𝑠 5:2

Basahin: 𝗘𝗖𝗖𝗟𝗘𝗦𝗜𝗔𝗦𝗧𝗘𝗦 𝟱:𝟭-𝟱

Para mabasa ang Biblia sa loob GmarShops Marketplace , NIKE AIR MORE UPTEMPOBLACK WHITE BLACK , Buy & Sell Sneakers ng isang taon: ISAIAS 7-8; EFESO 2

𝑀𝑎𝑔-𝑖𝑛𝑔𝑎𝑡 𝑘𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑘𝑖𝑘𝑖𝑙𝑜𝑠 𝑚𝑜 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑝𝑢𝑝𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑘𝑎 𝑠𝑎 𝑡𝑒𝑚𝑝𝑙𝑜 𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠. 𝑀𝑎𝑠 𝑚𝑎𝑏𝑢𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑝𝑢𝑚𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑘𝑎 𝑟𝑜𝑜𝑛 𝑛𝑎 ℎ𝑎𝑛𝑑𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑢𝑚𝑢𝑛𝑜𝑑[𝑎] 𝑠𝑎 𝐷𝑖𝑜𝑠, 𝑘𝑎𝑦𝑠𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑔ℎ𝑎𝑛𝑑𝑜𝑔 𝑛𝑎 𝑔𝑎𝑦𝑎 𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔ℎ𝑎ℎ𝑎𝑛𝑑𝑜𝑔 𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑛𝑔𝑚𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑎𝑙𝑎𝑚 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑏𝑢𝑡𝑖 𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑠𝑎𝑚𝑎. 2 𝐻𝑢𝑤𝑎𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑏𝑖𝑔𝑙𝑎-𝑏𝑖𝑔𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑠𝑎𝑠𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎. 𝑀𝑎𝑔-𝑖𝑠𝑖𝑝 𝑘𝑎 𝑚𝑢𝑛𝑎 𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑏𝑢𝑡𝑖 𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑘𝑎 𝑚𝑎𝑛𝑔𝑎𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝐷𝑖𝑜𝑠. 𝑇𝑎𝑛𝑑𝑎𝑎𝑛 𝑚𝑜 𝑛𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠 𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑠𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔𝑖𝑡 𝑎𝑡 𝑖𝑘𝑎𝑤 𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑛𝑑𝑖𝑡𝑜 𝑠𝑎 𝑙𝑢𝑝𝑎. 𝐾𝑎𝑦𝑎 𝑚𝑎𝑔-𝑖𝑛𝑔𝑎𝑡 𝑘𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑠𝑎𝑠𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎. 3 𝐾𝑢𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑝𝑎𝑎𝑛𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑑𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑛𝑎𝑔𝑖𝑛𝑖𝑝 𝑘𝑎𝑝𝑎𝑔 𝑚𝑎𝑟𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑎𝑙𝑎𝑙𝑎ℎ𝑎𝑛𝑖𝑛, 𝑚𝑎𝑑𝑎𝑙𝑖 𝑟𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑝𝑎𝑔𝑠𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑚𝑎𝑛𝑔𝑚𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑑𝑎𝑙𝑜𝑠-𝑑𝑎𝑙𝑜𝑠 𝑘𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑠𝑎𝑠𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎. 4 𝐾𝑎𝑝𝑎𝑔 𝑛𝑎𝑛𝑔𝑎𝑘𝑜 𝑘𝑎 𝑠𝑎 𝐷𝑖𝑜𝑠, 𝑡𝑢𝑝𝑎𝑟𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑎𝑔𝑎𝑑 𝑖𝑡𝑜. 𝑇𝑢𝑝𝑎𝑟𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑝𝑖𝑛𝑎𝑛𝑔𝑎𝑘𝑜 𝑚𝑜 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑛𝑎𝑡𝑢𝑡𝑢𝑤𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 ℎ𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙 𝑛𝑎 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑡𝑢𝑚𝑢𝑡𝑢𝑝𝑎𝑑 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑘𝑜. 5 𝑀𝑎𝑠 𝑚𝑎𝑏𝑢𝑡𝑖 𝑝𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑢𝑤𝑎𝑔 𝑘𝑎 𝑛𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑛𝑔𝑎𝑘𝑜 𝑘𝑎𝑦𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑛𝑔𝑎𝑘𝑜 𝑘𝑎 𝑎𝑡 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑚𝑜 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑡𝑢𝑡𝑢𝑝𝑎𝑟𝑖𝑛.

👉Minsan, kinapanayam si Celeste Headlee at ibinahagi niya ang sampung paraan sa maayos na pakikipag-usap. Isa sa kanyang mga payo ang maaaring ikagulat ng marami. Sinabi niya na kung gusto nating magkaroon ng magandang pag-uusap, kailangan muna nating matutong makinig. Madalas, habang nagsasalita ang kausap natin, hindi talaga tayo nakikinig. Abala na ang isip natin sa kung ano ang isasagot natin. Sinabi pa niya na karamihan sa atin ay hindi nakikinig upang maunawaan ang iba. Nakikinig tayo upang makasagot.

Mahalaga rin naman ang pakikinig pagdating sa ating relasyon sa Dios. Sinasabi ng Biblia, “Ingatan mo ang iyong mga hakbang kapag ikaw ay nagtungo sa bahay ng DIOS. Ang lumapit upang makinig ay mas mabuti kaysa magbigay ng handog ng mga hangal” (Eclesiastes 5:1 ABAB). Ipinaaalala ng talatang ito na mas marunong ang Dios kaysa sa atin. Siya ang nasa langit at alam Niya ang lahat. Kaya mas makabubuting makinig muna tayo sa Kanya kaysa sa agad magsalita. Ganito rin ang sinasabi ng Kawikaan 18:2 na hindi nais ir jordan 4 tour yellow 200 matuto ng isang mangmang kundi ang gusto lamang niya ay ipahayag ang sarili niyang opinyon.

Ano naman ang kahulugan nito para sa atin? Kapag nananalangin tayo, huwag lang nating ilahad ang lahat ng ating mga kahilingan, alalahanin, at problema. Maglaan din tayo ng oras upang tahimik na makinig sa Dios sa pamamagitan ng Kanyang Salita at sa paggabay ng Banal na Espiritu. Ganito rin sa pakikitungo sa iba. Kapag tunay tayong nakikinig at hindi lamang naghihintay ng pagkakataong magsalita, mas lalalim ang ating mga relasyon at mas maipapakita natin ang pag-ibig ni Cristo.

– Kenneth Petersen

Paano mo mababago ang paraan ng iyong pananalangin upang mas makinig ka sa Dios?

𝙋𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙤𝙤𝙣, 𝙩𝙪𝙡𝙪𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙈𝙤 𝙖𝙠𝙤𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙨𝙖𝙡𝙞𝙩𝙖 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣 𝙠𝙪𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙖𝙜𝙡𝙖𝙖𝙣 𝙙𝙞𝙣 𝙣𝙜 𝙤𝙧𝙖𝙨 𝙪𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙠𝙞𝙣𝙞𝙜 𝙨𝙖 𝙄𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙎𝙖𝙡𝙞𝙩𝙖 𝙖𝙩 𝙨𝙪𝙢𝙪𝙣𝙤𝙙 𝙨𝙖 𝙄𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙡𝙤𝙤𝙗𝙖𝙣.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *