ANG SAKRIPISYO NI JESUS

·

·

ANG SAKRIPISYO NI JESUS

Basahin: ISAIAS 53:4-7, 10-12 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: RUTH 1-4; LUCAS 8:1-25

Ang parusang tiniis niya ang naglagay sa atin sa magandang kalagayan. At dahil sa mga sugat niya ay gumaling tayo. – Isaias 53:5

Bago gumanap si Jim Caviezel bilang Jesus sa pelikulang The Passion of the Christ, binalaan siya ng direktor na si Mel Gibson na sobrang hirap ang gagampanan niya. Maaari rin itong makasira sa kanyang career sa Hollywood. Gayunpaman, tinanggap pa rin ito ni Jim at sinabing, “Sa tingin ko, kailangan nating air jordan 13 black flint gawin ito, kahit mahirap.”

Habang ginagawa ang pelikula, tinamaan ng kidlat si Jim, nabawasan ang timbang ng 20 kilo, at aksidenteng nahagupit sa eksena. Pagkatapos, sinabi niya, “Ayokong ako ang makita ng mga tao. Gusto kong makita nila si Jesus. Doon magkakaroon ng pagbabago sa kanilang buhay.” Naging malaki ang epekto ng pelikula kay Jim at sa iba pang kasama niya sa pelikula. Tanging ang Dios lamang ang nakakaalam kung ilan sa milyun-milyong Yeezys – Jordans, Musee-jacquemart-andre News, Jordan Essentials Statement Hoodie – release dates & nike. nanood nito ang nakaranas ng pagbabago sa kanilang buhay.

Dahil sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus, maaari tayong makapanumbalik sa Dios.

Ang sakripisyo ni Jesus ang pinakamatinding pagdurusa Niya. Mula ito sa Kanyang matagumpay na pagpasok sa Jerusalem hanggang sa Siya’y pinagtaksilan, kinutya, hinagupit, at ipinako sa krus. Mababasa ang mga ito sa apat na ebanghelyo ng BIbila.

Bago pa man maganap ang paghihirap ni Jesus, ipinahayag na ito sa Isaias 53: “Sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; binugbog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniis niya ang naglagay sa atin sa magandang kalagayan. At dahil sa mga sugat niya ay gumaling tayo. Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw” (TAL. 5-6). Dahil sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus, maaari tayong makapanumbalik sa Dios. Ang Kanyang paghihirap at sakripisyo ang nagbukas ng daan para sa atin upang makapiling Siya magpakailanman.

Mahal na Tagapagligtas, kulang po ang salita upang ipahayag ko kung gaano ako nagpapasalamat sa Iyo. Salamat po dahil nagdusa, namatay, at muli po Kayong nabuhay para sa akin.

Isinulat ni Alyson Kieda 



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *