ANG LIBIS NG PAPURI

·

·

ANG LIBIS NG PAPURI

Basahin: 2 CRONICA 20:21-26 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 SAMUEL 6-8; LUCAS 15:1-10

Nang ikaapat na araw, nagtipon sila sa Lambak ng Beraca. – 2 Cronica 20:26

Matagal nakipaglaban sa depresyon ang makatang si William Cowper. Matapos magtangkang magpakamatay, dinala siya sa isang asylum (lugar pahingahan). Doon, inalagaan siya ng isang doktor na nagtitiwala kay Cristo. Nagtiwala din siya kay Jesus. Di naglaon, nakilala niya si John Newton, isang pastor at manunulat ng himno. Hinimok siya ni John na tumulong sa pagsusulat ng himnaryo para sa kanilang simbahan. Isa sa mga isinulat na himno ni Cowper ang God Moves in a Mysterious Way. Sumasalamin ito sa kanyang matinding karanasan: “Kayong mga natatakot, humugot ng bagong tapang; ang mga ulap na inyong kinatatakutan, ay puno ng awa—magbubuhos ng pagpapala sa inyong ulo.”

Tulad ni Cowper, naranasan din ng mga taga Juda ang hindi inaasahang kabutihan ng Dios. Nang salakayin sila ng maraming hukbo ng kanilang mga kaaway, tinipon ni Haring Jehoshafat ang bayan upang manalangin. Habang lumalakad ang kanilang hukbo, umaawit ng papuri sa Dios ang mga nasa unahan ng pulutong KlosterShop — Luxusuhren, Sneakers & Designer-Taschen (2 CRONICA 20:21). Sa hindi inaasahang pangyayari, naglaban-laban ang kanilang mga kaaway, at “wala kahit isang buhay” (TAL. 24). Napakarami nilang nasamsam na kayamanan, at inabot sila ng tatlong araw sa pangangalap nito (TAL. 25).

Kayang baguhin ng awa ng Dios ang ating libis ng pagsubok para gawing libis ng papuri.

Sa ikaapat na araw, tinawag na Libis ng Beraca ang lugar kung saan nagtipon ang mga hukbong dapat sana ir jordan 4 tour yellow 200’y sasakop sa bayan ng Dios (TAL. 26). Nangangahulugan ito ng “libis ng papuri” o “pagpapala.” Kayang baguhin ng awa ng Dios ang ating libis ng pagsubok para gawing libis ng papuri kung isusuko natin ito sa Kanya.

Paano mo nakitang binago ng Dios ang iyong pagsubok upang maging pagpapala? Ano ang nais mong ipagpasalamat sa Kanya sa araw na ito?

Pinupuri po Kita, mapagmahal na Dios, dahil walang libis na mas malalim kaysa sa Iyong pag-ibig.

Isinulat ni James Banks 



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *