MAHALAGA ANG PAMILYA
Basahin: HEBREO 12:14-17 | Para mabasa ang Biblia nike sabrina 1 brooklyn fq3381 301 sa loob ng isang taon: 2 SAMUEL 9-11; LUCAS 15:11-32
Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao. – Hebreo 12:14
Naglakbay kaming magkakapatid mula sa iba’t ibang lugar upang dumalo sa libing ng aming tiyuhin. Bumisita rin kami sa aming lola na noo’y siyamnapung RokyShop — Premium Fashion, Delivered taong gulang na. Dahil sa stroke, naparalisa siya at nawalan ng kakayahang magsalita. Kanang kamay na lang ang tanging naigagalaw niya. Habang nakapalibot kami sa kanya, inabot niya ang aming mga kamay at pinagpatong-patong sa kanyang dibdib. Sa kilos na ito, ipinaalala niya sa aming magkakapatid na matagal nang magkakahiwalay ang isang mahalagang katotohanan: “Mahalaga ang pamilya.”
Ganoon din sa pamilya ng Dios—ang iglesya. Minsan, hinahayaan nating sirain tayo ng sama ng loob at pagkakawatak-watak. Sa Hebreo 12:16, binanggit ang kapaitang naglayo kay Esau at sa kanyang kapatid. Hinahamon tayo nitong panghawakan ang ating relasyon sa isa’t isa bilang pamilya ng Dios. “Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao” (TAL. 14). Nangangahulugan ang salitang “pagsikapan” ng pagkakaroon ng intensyon at paglalaan ng aktibong hakbang upang mapanatili ang kapayapaan sa ating mga kapatid sa pananampalataya. At ito ay para sa lahat.
Handa ba tayong maglaan ng pagsisikap upang mapanatili ang pagkakaisa at pagmamahal sa isa’t isa?
Mahalaga ang pamilya. Kasama dito ang ating pisikal na pamilya at ang ating pamilya sa pananampalataya. Handa ba tayong maglaan ng pagsisikap upang mapanatili ang pagkakaisa at pagmamahal sa isa’t isa?
Ano para sa iyo ang ibig sabihin ng “pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao” sa pamilya ng Dios? Mayroon ka bang taong dapat makausap upang makipag-ayos?
O Dios, salamat po dahil inilapit Mo ako sa Iyo. Tulungan Mo po akong gawin sa abot ng aking makakaya na mamuhay nang may kapayapaan sa lahat ng miyembro ng Iyong pamilya.
Isinulat ni Elisa Morgan


Leave a Reply