MASIGASIG SA PANANALANGIN

·

·

MASIGASIG SA PANANALANGIN

Basahin: COLOSAS 4:2-6, 12-13 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 13-15; GAWA 19:21-41

Magpakasigasig kayo sa pananalangin. – Colosas 4:2

“Limampung taon na kitang ipinapanalangin.” Iyan ang sinabi ng isang matandang babae sa kaibigan kong si Lou. Bumibisita noon si Lou sa lugar sa Bulgaria kung

saan lumaki ang kanyang ama at lolo. Simula pala nang malaman ng babaeng ipinanganak si Lou, ipinanalangin na niya ito. Halos tatlumpung anyos si Lou nang magtiwala siya kay Jesus. Naisip tuloy niya na marahil, may malaking bahagi ang masigasig na pananalangin ng matanda para makakilala siya kay Jesus.

Nais ng Dios na manalangin tayong lahat nang tapat.

Maaaring sa langit na natin makikita ang lahat ng bunga ng ating mga panalangin. Gayunpaman, sinasabi ng Salita ng Dios na “magpakasigasig [tayo] sa pananalangin nang may pasasalamat” (COLOSAS 4:2). Bagama’t bilin ito ni Pablo sa mga taga Colosa, humingi rin ng panalangin si Pablo sa kanila. “Ipanalangin n’yo rin na bigyan kami ng Dios ng pagkakataon na maihayag ang mensahe tungkol kay Cristo” (TAL. 3).

Marahil minsan ay naiisip air jordan 4 retro red thunder nating hindi tayo tinawag upang manalangin. Ngunit kung titingnan natin ang listahan ng mga kaloob ng Banal na Espiritu sa Biblia, hindi natin makikita ang panalangin doon. Nais marahil ng Dios na manalangin tayong lahat nang tapat. Sa gayon, makita natin ang mga bagay na tanging Dios lamang ang makagagawa.

Paano ka natulungan ng panalangin ng iba? Sino ang ipinapanalangin mo ngayong araw?

Ama, salamat po dahil nais Mong lumapit ako sa Iyo. Tulungan Mo po akong mapahalagahan ang pribilehiyong makalapit sa Iyo at maipanalangin ang iba.

Isinulat ni James Banks



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *