UNAHING SAMBAHIN ANG DIOS

·

·

UNAHING SAMBAHIN ANG DIOS

Basahin: EZRA 3:1-6 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 7-9; GAWA 18

Kahit hindi pa nasisimulan ang muling pagpapatayo ng templo ng Panginoon, nagsimula na ang mga Israelita sa pag-aalay ng mga handog. – Ezra 3:6

Hindi ko pinlanong magtayo ng non-profit organization (organisasyong nakatuon sa pagtulong). Kaya marami akong naging tanong nang marinig ko ang pagtawag ng Dios. Paano ito matutustusan? Sino ang tutulong sa akin sa pagbuo nito? Nakita ko ang mga sagot hindi sa isang aklat patungkol sa negosyo nike sabrina 1 brooklyn fq3381 301, kundi sa Biblia.

Magandang basahin ng sinumang tinatawag ng Dios para magtayo ng isang organisasyon ang aklat ng Ezra. Pinapakita kasi dito kung paano binuong muli ng mga Hudyo ang Jerusalem matapos silang mapaalis sa kanilang bayan. Kasama dito kung paano sila nakalikom ng pondo (EZRA 1:4-11; 6:8-10). Nakalagay rin ang tungkulin ng mga volunteer at mga kontratista (1:5; 3:7). Ipinakita rin ang kahalagahan ng paghahanda (3:8). Kasama rin pati ang pagtutol ng ilan (KAB. 4). Pero may isang pinakatumatak sa akin. Isang buong taon bago sila nagsimula, inuna nilang itayo ang altar ng Dios (3:1-6). Sumamba sila “kahit hindi pa nasisimulan ang muling pagpapatayo ng templo” (TAL. 6). Inuna nilang sumamba.

Bago natin gawin ang ipinapagawa ng Dios, unahin muna nating sambahin Siya.

Tinatawag ka ba ng Dios na magsimula ng isang charityBible study, pesonal na proyekto, o bagong tungkulin sa trabaho? Mahalaga ang prinsipyong nakasulat sa aklat ng Ezra. Huwag nating hayaang matuon ang atensyon natin sa mga dapat nating gawin. Bago natin gawin ang ipinapagawa ng Dios, unahin muna nating sambahin Siya.

Sa palagay mo, bakit inuna ng mga Hudyo na itayo ang altar? Paano mo lalakipan ng pagsamba ang trabaho mo?

Dios Ama, sinasamba po Kita bilang Dios ng lahat sa akin. Kasama na dito ang mga tungkuling iniatang Mo sa akin.

Isinulat ni Sheridan Voysey



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *