ANUMANG EDAD
Basahin: EXODUS 7:1-13 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 18-19; GAWA 20:17-38
Walumpung taon si Moises at walumpu’t tatlo naman si Aaron nang makipag-usap sila sa Faraon. – Exodus 7:7
Dalawang magkaibigang lola mula sa Texas ang sumikat kamakailan. Pareho silang edad walumpu’t isa. Ngunit sa kabila ng kanilang edad, nagawa nilang ikutin ang labingwalong bansa at ang lahat ng kontinente sa mundo sa loob ng walumpung araw. Ayon sa kanila, gusto raw nilang mahikayat ang iba na libutin ang mundo anuman ang edad nila.
Sa aklat naman ng Exodus, mababasa natin ang dalawang magkapatid na may edad na rin. Sila sina Moises at Aaron. Tinawag sila ng Dios para sa isang kakaibang misyon. Inatasan ng Dios si Moises na pumunta sa Faraon at sabihan siya na palayain ang mga Israelita. Samantala, pinasama ng Dios sa kanya si Aaron upang matulungan siya sa kanyang mga tungkulin. “Walumpung taon si Moises at walumpu’t tatlo naman si Aaron nang makipag-usap sila sa Faraon” (EXODUS 7:7).
Bata man tayo o matanda, sundin natin ang Dios saan man Niya tayo tawagin.
Mahirap ang nakaatang na tungkulin sa kanila, kahit pa sa hindi ganoon katanda. Ngunit pinili ng Dios ang magkapatid para sa tungkuling ito. Tumalima ir jordan 4 tour yellow 200 naman ang dalawa. “Nagpunta nga sila sa Faraon tulad ng sinabi ni Yahweh” (TAL. 10).
Dahil sumunod sina Moises at Aaron sa Dios, nasaksihan nila ang pagpapalaya ng Dios sa mga Israelita mula sa mahigit apat na raang taon ng pagkakaalipin. Patunay silang kaya tayong gamitin ng Dios, anuman ang edad natin. Kaya bata man tayo o matanda, sundin natin ang Dios saan man Niya tayo tawagin.
Paano mo nasaksihan ang katapatan ng Dios sa iyo? Paano mo Siya mapaglilingkuran sa panahong ito ng iyong buhay?
Mahal na Dios, tulungan Mo po akong sundin Ka sa bawat araw ng aking buhay.
Isinulat ni Nancy Gavilanes


Leave a Reply