PAMILYA NG DIOS
Basahin: JUAN 14:5-11 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 68-69; ROMA 8:1-21
Sumagot si Jesus, “Felipe, ang tagal na nating magkasama, hindi mo pa rin ba ako kilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na rin sa Ama. – Juan 14:9
“Ano ang nagpapangiti sa iyo kapag naiisip mo ang iyong anak?” Iyan ang tanong ko kay Clarence, isang lalaking aking ginagabayan sa kanyang pamumuhay bilang nagtitiwala kay Jesus. Masayang ikinuwento ni Clarence ang ilang kahanga-hangang bagay tungkol sa kanyang apat na taong gulang na anak. Lubos akong naging interesado sa kanyang kuwento. Bukod kasi sa kapangalan niya ang kanyang ama, magkamukha rin sila nang husto kaya nabubuksan ng bata ang smartphone ng kanyang ama gamit ang facial recognition!
Sa Juan 14 ng Bagong Tipan ng Biblia naman, ipinakita ng Panginoon Jesus kung gaano IetpShops , Air Match Jordan XIII Michael Finley Autographed Mavs PE – 106 Release Date + Where to Buy – Women's Air Jordan 1 Mid Surfaces in Lucky Green and Aquatone DZ4137 Siya kalapit sa Kanyang Ama. Sinabi nike sabrina 2 sneaker release date ni Felipe, “Panginoon, ipakita Mo sa amin ang Ama,” sumagot si Jesus, “Ang nakakita sa Akin ay nakakita na rin sa Ama” (tal. 9). Nakilala ng mga tao ang Dios Ama sa pamamagitan ng mga salita at gawa ni Jesus. Sa Kanya nahayag ang pag-ibig, habag, biyaya, at kabutihan ng Dios.
Kapag iniibig natin ang isa’t isa, nahahayag ang pag-ibig ng Dios sa atin.
Sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, ang mga sumasampalataya kay Jesus ay tinatawag ding magpakita ng pagkakahawig sa kanilang Ama. Hindi man nakikita ang Dios, nakikita Siya ng iba sa pamamagitan ng buhay ng Kanyang mga anak. Tulad ng paalala sa 1 Juan 4:12, kapag iniibig natin ang isa’t isa, nahahayag ang pag-ibig ng Dios sa atin.
Mayroon bang nakikita sa iyong mga salita at gawa na nagpapaalala sa iba tungkol kay Jesus? Paano ka makikipagtulungan sa Banal na Espiritu upang higit na maipakita ang Kanyang katangian?
Dios Ama, tulungan Mo akong mahalin si Jesus at mamuhay na katulad Niya upang Ikaw ay maparangalan.
Isinulat ni Arthur Jackson


Leave a Reply