TULONG MULA SA DIOS

·

·

TULONG MULA SA DIOS

Basahin: HEBREO 1:7-14 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 66-67; ROMA 7

Kung ganoon, ang mga anghel ay mga espiritung naglilingkod lang sa Dios, at sinusugo Niya para tumulong sa mga taong tatanggap ng kaligtasan. – Hebreo 1:14

Minsan, nahulog ang mangingisdang si Scott Thompson mula sa kanyang bangka sa karagatan ng California. Hindi niya alam kung mabubuhay pa siya. Sinubukan niyang habulin ang bangka, ngunit umaandar ang makina at hindi niya ito maabutan. Kaya sa gitna ng dilim, lumangoy siya para makahanap ng ligtas na lugar. Habang unti-unti siyang nawawalan ng pag-asa, may narinig siyang pagtilamsik ng tubig malapit sa kanya. Isang isda na harbor seal ang lumangoy kasama niya at tila tinutulungan siyang magpatuloy patungo sa ligtas na lugar. Makalipas ang limang oras, nakarating siya sa pampang nike sabrina 1 brooklyn fq3381 301. Inilarawan niya ang harbor seal bilang isang “anghel” na isinugo upang tulungan siya.

Sinasabi naman sa Hebreo 1:14 na ang mga anghel ay mga espiritung isinugo upang maglingkod sa mga tatanggap ng kaligtasan. Ipinapaalala ng talatang ito na bagaman kamangha-mangha ang mga anghel, sila ay ginagamit ng Dios upang isakatuparan ang Kanyang layunin. At si Jesus ang nagpapanatili ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng Kanyang makapangyarihang salita (tal. 3).

Sa tamang panahon, ibinibigay ng Dios ang tulong na ating kailangan—madalas sa paraang hindi natin inaasahan.

May mga pagkakataong tila mahaba at mahirap ang ating paglalakbay. Ngunit hindi tayo pinababayaan ng Dios. Sa tamang panahon, ibinibigay Niya ang tulong na ating kailangan—madalas sa paraang hindi natin inaasahan.

Paano ka tinulungan ng Dios sa mga paraang hindi mo inaasahan? Paano ka naman Niya magagamit upang makatulong sa iba ngayon?

Dios Ama, pinupuri Kita dahil Ikaw ang nagpapanatili ng lahat ng bagay. Salamat sa Iyong patuloy na pagtulong sa aking buhay.

Isinulat ni James Banks



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *