MAGILIW NA PAG-IBIG NG DIOS

·

·

MAGILIW NA PAG-IBIG NG DIOS

Basahin: HOSEA 11:1-4 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 SAMUEL 3-5; LUCAS 14:25-35

Ang katulad ko’y isang nag-aalis ng busal sa kanilang bibig, at yumuko ako upang sila’y mapakain. – Hosea 11:4 ᴍʙʙ

Umantig sa puso ng buong mundo ang video ng isang ama na inaalo ang kanyang dalawang buwang gulang na anak matapos itong bakunahan. Matapos ang bakuna, buong ingat na inilapit ng ama ang kanyang anak sa kanyang pisngi. Kaagad na huminto sa pag-iyak ang sanggol. Walang mas nakakapagpanatag kaysa sa pagmamahal ng isang magulang.

Sa Biblia naman, napakaraming magagandang paglalarawan sa Dios bilang isang mapagmahal na magulang. Mga larawan ito na nagpapakita ng malalim Niyang pag-ibig sa Kanyang mga anak. Halimbawa, sa Lumang Tipan, naatasan ang propetang si Hosea upang ihayag ang isang mensahe sa mga Israelita na nakatira sa hilagang kaharian. Panahon iyon ng nahating kaharian. Hinimok sila ni Hosea na ibalik ang kanilang relasyon sa Dios. Pinaalala ni Hosea sa kanila ang pag-ibig ng Dios sa pamamagitan air jordan 1 retro low og sp varsity red hv6157 100 ng paglalarawan sa Kanya bilang magiliw na Ama: “Minahal Ko ang Israel noong kabataan niya” (HOSEA 11:1) at “pinatnubayan Ko sila nang buong pagmamahal, tulad ng isang taong nag-aangat ng pamatok sa bata upang mapakain ito” (TAL. 4).

Bukas pa rin ang mga bisig ng Dios upang yakapin at tanggapin tayo.

Maaari rin nating maranasan ang pangakong pag-ibig ng Dios na iyon. Hinahanap man natin ang Kanyang kalinga matapos nating tanggihan ang Kanyang pag-ibig, o dahil sa sakit Nike Purple Air Force 1 Low Retro Premium Sneakers at pagdurusa sa ating buhay, itinuturing pa rin Niya tayong mga anak (1 JUAN 3:1). Bukas pa rin ang Kanyang mga bisig upang yakapin at tanggapin tayo (2 CORINTO 1:3-4).

Paano mo naranasan ang pag-ibig ng Dios bilang isang Ama? Anong suliranin ang nais mong ilapit sa Kanya sa araw na ito?

Aming Ama sa langit, salamat po dahil itinuring Mo kaming mga anak at kinakalinga sa tuwing lalapit kami sa Iyo.

Isinulat ni Lisa M. Samra



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *