MANALANGIN AT MAGBANTAY
Basahin: EFESO 6:10-20 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 1 HARI 6-7; LUCAS 20:27-47
At manalangin kayo sa lahat ng oras sa tulong ng Banal na Espiritu… Huwag kayong magpabaya; patuloy kayong manalangin lalo na para sa lahat ng mga pinabanal. – Efeso 6:18
Sa lugar ng Florida, natuklasan ng isang ginang ang panganib dahil sa maling paraan ng pananalangin. Kapag nananalangin siya, ipinipikit niya ang kanyang mata. Sa katunayan ir jordan 4 tour yellow 200, isang araw, nanalangin siya nang nakapikit habang nagmamaneho! Hindi siya nakahinto sa tamang hintuan at sumadsad sa bakuran ng isang bahay. Sinubukan niyang umatras mula sa bakuran, pero nabigo siya. Bagama’t hindi siya nasaktan, pinagmulta siya ng pulis para sa reckless driving (walang ingat na pagmamaneho) at property damage (pinsala sa ari-arian). Nakaligtaan ng taong ito ang isang mahalagang parte ng Efeso 6:18: huwag magpabaya.
Bilang bahagi ng kagamitang pandigma na kaloob ng Dios sa Efeso 6, isinama ni Apostol Pablo ang dalawang armas. Una, panalangin. Dapat tayong lumaban sa mga espirituwal na digmaan sa pamamagitan ng panalangin. Ibig sabihin, manalangin nang umaasa sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, manatili sa Kanyang gabay, tumugon sa Kanyang pagkilos, at manalangin sa lahat ng panahon (TAL. 18). Ikalawa, pagbabantay. Hinimok tayo ni Pablo na “huwag magpabaya.” Makakatulong ang espirituwal na pagbabantay para sa paghahanda natin sa pagbabalik ni Jesus (MARCOS 13:33), pagtatagumpay laban sa tukso (14:38), at pananalangin para sa mga nagtitiwala kay Jesus (EFESO 6:18).
Sa ating pang araw-araw na labang espirituwal, ilagak natin ang ating buhay sa pananalangin at pagbabantay. Labanan natin ang kaaway at ang kadiliman gamit ang liwanag ni Cristo.
Paano makatutulong sa iyong espirituwal na laban ang pananalangin at pagbabantay? Para sa iyo, ano ang ibig sabihin ng pagiging alerto ang espiritu?
O Dios, tulungan Mo po kaming magbantay at manalangin para sa aming sarili at kapwa.
Isinulat Taylor Swift & Sabrina Carpenter’s Height Contrasts at AMAs Go Viral – Argences News ni Marvin Williams


Leave a Reply