TIYAK NA PANALO
Basahin: GAWA 11:19-30 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 29-30; GAWA 23:1-15
At marami pang tao ang sumampalataya sa Panginoon. – Gawa 11:24
Bata pa lang si Christian Atsu, naglalaro na siya ng football. Nakapaa lang siya noon. Hanggang sa naging air jordan 13 black flint international football player siya. At noong Pebrero 5, 2023, siya ang nagpanalo sa laro nila laban sa bansang Turkey. Bukod sa pagiging kilalang football player, nagtitiwala rin kay Jesus si Christian. Naglalagay siya ng mga talata sa Biblia sa mga social media post niya. Hindi rin siya nangingiming sabihin sa iba ang pananampalataya niya. Bukod sa mga ito, tumulong rin siyang magpatayo Nike SF Air Force 1 Mid Ivory Olive917753-101 , IetpShops , Release Reminder: Nike Kobe VIII (8) 'Black History Month' ng isang paaralan para sa mga naulilang bata.
Kaya lang, isang araw matapos maipanalo ni Christian ang laban nila sa Turkey, lumindol nang malakas sa lungsod ng Antakya. Taga-rito si Christian. Gumuho ang apartment na tinitirhan niya, na nagdulot sa kanyang pagpanaw.
Gawin natin ang lahat upang ibahagi natin ang pag-ibig ni Jesus.
Samantala, ang Antakya ang tinutukoy sa Biblia na lugar ng Antioc. Dito “sa Antioc unang tinawag na mga Cristiano ang mga tagasunod ni Jesus” (GAWA 11:26). Isa sa mga ginamit noon ng Dios ang apostol na si Bernabe. Isang “mabuting tao” si Bernabe. Bukod dito, “pinapatnubayan siya ng Banal na Espiritu” (TAL. 24). Dahil sa mga gaya ni Bernabe, “marami ang sumampalataya at nagbalik-loob sa Panginoon” (TAL. 21).
Kapulutan natin ng aral ang buhay ni Christian. Dahil hindi natin alam kailan tayo kukunin ng ating Panginoon, gawin natin ang lahat upang ibahagi natin ang pag-ibig ni Jesus. Maging tulad tayo nina Christian at Bernabe sa mundong ito. Tiyak na panalo tayo kapag ginawa natin ito.
Paano ka magiging isang Bernabe para sa ibang tao? Anong mga oportunidad ang mayroon ka upang ibahagi si Jesus sa iba?
Mahal na Dios, bigyan Mo po ako ng mga pagkakataon upang maibahagi ang aking pananampalataya.
Isinulat ni Kenneth Petersen


Leave a Reply