TUNAY NA TANGGULAN

·

·

TUNAY NA TANGGULAN

Basahin: SALMO 91:1-2, 14-16 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 35-36; GAWA 25

Kayo ang kumakalinga sa akin at nagtatanggol. Kayo ang aking Dios na pinagtitiwalaan. – Salmo 91:2

Nang pumanaw ang asawa ni Fred, kumuha siya ng lakas mula sa mga kaibigan niya. Sama-sama silang kumakain ng agahan tuwing Lunes. Para kay Fred, kaya niyang labanan ang lungkot basta’t magpatuloy ang pagkikita-kita nila tuwing Lunes. Kapag nalulungkot si Fred, iniisip lang niyang darating din ang Lunes.

Kaya lang, nahinto air jordan 1 mid outlet ang pagkikita-kita nila. Ilan sa mga kaibigan niya kasi ang nagkasakit. Pumanaw naman ang iba. Nagtulak ito kay Fred upang hanapin ang Dios na nakilala niya noong kabataan niya. “Mag-isa na lang akong nag-aagahan ngayon,” wika ni Fred, “pero lagi kong pinanghahawakang kasama ko si Jesus. At sa tuwing aalis ako sa hapag-kainan, alam kong hindi ko haharapin ang araw na iyon nang mag-isa.”

Lumapit tayo sa Dios dahil Siya ang ating tunay na tanggulan.

Nadiskubre ni Fred ang seguridad at kaaliwan sa presensya ng Dios gaya ng salmista. “Kayo ang kumakalinga sa akin… ang aking Dios na pinagtitiwalaan” (SALMO 91:2). Hindi pala sa isang lugar makikita ang seguridad, kundi sa presensya ng Dios (TAL. 1). Natutunan nina Fred at ng salmista na hindi nila kailangang harapin ang mga pagsubok nang mag-isa. Gayundin naman, maaari tayong pumanatag dahil nariyan ang Dios. Iingatan at tutulungan Niya tayo. Kapag lumapit tayo sa Dios, makakaasa tayo sa Kanyang pagtugon at pagsama.

Saan tayo tumatakbo kapag mahirap ang buhay? Nariyan lang ang Dios. Naghihintay Siya sa atin. Lumapit tayo sa Kanya dahil Siya ang ating tunay na tanggulan.

Kapag mahirap ang buhay, saan ka tumatakbo? Sa paanong paraan mo maipapakita ang tiwala mo sa Dios bilang iyong tanggulan?

Panginoon, Ikaw po ang aking tanggulan. Alam ko pong hindi Mo ako iiwan air jordan 1 retro low og sp varsity red hv6157 100 at hahayaang mag-isa. Salamat po dahil nariyan Ka palagi para sa akin.

Isinulat ni Karen Huang



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *