Hanapin Ang Dios

·

·

Hanapin Ang Dios

Basahin: Isaias 26:3–4 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Leviticus 25; Marcos 1:23–45

Bigyan Nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong Kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa Inyo. — Isaias 26:3

Pirouette. Tawag ito sa sunod-sunod na pag-ikot ng mga balerina at iba pang mananayaw. Noong bata pa ako, gustung-gusto ko itong ginagawa. Paikot-ikot hanggang sa mahilo. Ngayong tumanda na ako, natutunan ko ang isang paraan para gawin ito nang tama. Kailangan ko lang ituon ang paningin ko sa isang lugar, para kapag umikot alam ko kung naka-isang ikot na ako. Isang lugar lang ang kailangan ko para maging maayos ang pagtatapos ng pirouette ko.

Maging sa buhay natin marami tayong paikot-ikot at paliku- likong mga pinagdaanan. Kung itutuon naman natin ang ating pansin sa mga bagay na ito, maaaring mahilo at mahulog pa tayo. Ngunit ayon sa Biblia, kung pananatilihin nating matapat, at nakatuon ang ating isipan sa Dios, pagkakalooban Niya tayo ng “lubos na kapayapaan” (Isaias 26:3).

Ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng lubos na kapayapaan ay kahit na anong mangyari sa ating buhay, mananatili tayong mahinahon. Dahil tiniyak ng Dios na sasamahan Niya tayo sa lahat anumang problema at pagsubok na ating haharapin. Siya ang “ating Bato na kanlungan magpakailanman” (Tal. 4). Dito ang “lugar” na dapat nating ituon ang ating mga paningin, dahil hindi kailanman nagbago ang pangako ng Dios sa atin.

Mangyari nawa na patuloy nating ituon ang ating paningin sa Dios araw-araw. Sa pamamagitan ng patuloy na pananalangin at pag-aaral ng Kanyang mga ipinangako na nasa Biblia. Patuloy din tayong magtiwala sa Dios, ang ating Batong makakapitan sa oras ng ating pangangailangan.

Anong problema ang pinagtutuunan mo ng pansin ngayon?

Isinulat ni Kimya Loder 

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

One response to “Hanapin Ang Dios”
  1. Bro Ronald Avatar
    Bro Ronald

    Lord God, sa dami po ng gumugulo sa isip namin, kadalasan ay hindi na namin kayo naiisip. Sa kabila ng lahat, nagagawa Nyo pa din kaming pangalagaan at pagpalain. Isang malaking hakbang kung magawa po sana namin na Kyo ang lagi naming ilagay sa aming isip at ituon ang atensyon. Lord God tulungan Nyo po kami na mag reset ng aming focus at ituon namin ang aming pagtitiwala sa Inyo. Wag nawa kami patuloy na mabulag sa mga bagay na nasa aming paligid. Kundi, maging paalala ang mga ito na kailangan namin tumawag sa Inyong Pangalan. Sa aking work ngayon Lord, may oras/araw na problemado ako. Gabayan po Ninyo ako Lord na itawag ko sa Inyo ang mga bagay na gumugulo sa isip ko. Pangako Ninyo sa amin na Kayo ang aming kanlungan, at nawa Panginoon, ay matuto na kaming magtiwala sa Inyo.

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links