Nakahandang Maghintay

·

·

Nakahandang Maghintay

Basahin: Santiago 5:7–12 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Deuteronomio 3-4; Marcos 10:32–52

Mga kapatid, maging matiyaga kayo hanggang sa pagdating ng Panginoon. Pagmasdan ninyo ang magsasaka: matiyaga niyang hinihintay ang… susunod na ulan at anihan. — Santiago 5:7

Maaaring nakawin ng paghihintay ang kapayapaan natin. Ayon sa computer scientist na si Ramesh Sitaraman, ang mabagal na internet ay nakapagdudulot ng kabiguan at inis sa mga tao sa buong mundo. Ayon sa pagsasaliksik niya na kaya nating maghintay hanggang dalawang segundo para sa pagbukas ng isang video. Pagkatapos ng limang segundo, 25% sa atin ang susuko, at pagkatapos ng 10 segundo pa, kalahati na lang ng mga users ang matitira. Ang iiksi talaga ng pasensya natin!

Sinabihan ni Santiago ang mga nagtitiwala kay Jesus na huwag Siyang iwan habang naghihintay sila sa pagbabalik Niya. Ang pagbabalik ni Cristo ay mag-uudyok sa kanila para maging matibay sa harap ng pasakit, at magmahalan at maggalangan (Santiago 5:7-10).

Ginamit niyang halimbawa ang magsasaka para linawin ang punto niya. Gaya ng magsasakang naghihintay ng “ulan at anihan” (Tal. 7) para magkaroon ng magandang ani, inudyukan ni Santiago ang mga mananampalataya na maging matiyaga sa kabila ng hirap hanggang sa bumalik si Jesus. At kapag bumalik na Siya, itatama Niya ang bawat mali at magdadala Siya ng shalom, ng kapayapaan.

Minsan, natutukso tayong iwan si Jesus habang naghihintay tayo sa Kanya. Pero habang naghihintay, “maging handa lagi” (Mateo 24:42), manatiling tapat (25:14-30), at ipamuhay ang katangian at pamamaraan Niya (Colosas 3:12). Kahit hindi natin alam kung kailan ang pagbabalik ni Jesus, maghihintay tayo kahit gaano pa katagal.

Jesus, hihintayin Kita. Kahit madilim ang mundo at puno ng pasakit, paghihirap, kawalang-hustisya, at kawalang-kasiguruhan, hihintayin Kita. Kahit hindi ko alam ang araw o oras, hihintayin Kita.

Isinulat ni Marvin Williams

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

One response to “Nakahandang Maghintay”
  1. Bro Ronald Avatar
    Bro Ronald

    Lord, madaming distractions sa paligid namin. Teach us Lord to focus our heart on You. Para hindi kami mawala, at matuto kami maging matyaga sa pag-aantay. At sa aming pag aantay, dalangin ko Lord na maabutan mo kaming sumusunod sa Iyong mga utos. Lord, hindi po namin ito magagawa ng kami lang. Gabayan Nyo po kami sa lahat ng oras habang kami ay nag aantay.

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links