Ang Haring Sakay Ng Asno

·

·

Ang Haring Sakay Ng Asno

Basahin: Mateo 21:1–11 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Josue 16-18; Lucas 2:1–24

Paparating na ang kanilang hari! Mapagpakumbaba siya, at nakasakay sa asno. — Mateo 21:5

Iyon ang araw na tinatawag na natin ngayong Linggo ng Palaspas. Hindi ito ang unang pagbisita ni Jesus sa Jerusalem. Bilang isang debotong Judio, malamang pumupunta Siya roon kada taon para sa tatlong malaking pista (Lucas 2:41; Juan 2:13; 5:1). Sa nakalipas na tatlong taon, nagministeryo at nagturo si Cristo sa Jerusalem. Pero nang Linggong iyon, kakaiba ang pagpasok Niya sa lungsod.

Sa pagsakay niya sa isang asno papasok sa Jerusalem sa panahon kung kailan napakaraming deboto papasok sa lungsod, si Jesus ang naging sentro ng atensyon (Mateo 21:9-11). Bakit pinili Niyang maging tanyag sa harap ng libu-libong tao samantalang sinadya Niyang iwasan iyon sa nakalipas na tatlong taon? Bakit Niya tinanggap ang proklamasyon ng mga tao na Siya ang Hari, limang araw lang bago Siya patayin?

Sinabi ni Mateo na nangyari ito para matupad ang sinabi ng isang 500-taong propesiya (Mateo 21:4-5) na ang haring pinili ng Dios ay darating sa Jerusalem na “matuwid at mapag- tagumpay. Mapagpakumbaba . . . at nakasakay sa bisirong asno” (Zacarias 9:9; Tingnan din ang Genesis 49:10-11).

Talagang kakaibang paraan ito para ang isang matagumpay na hari ay dumating sa isang lungsod. Madalas na nakasakay sa malalakas na kabayo ang mga mananakop na hari. Pero hindi dumating si Jesus na sakay ng kabayong panggiyera. Ipinapakita nito kung anong klaseng hari Siya. Dumating Siya nang may kababaang-loob. Dumating Siya hindi para sa giyera, kundi para sa kapayapaan; itinatag Niya ang kapayapaan sa pagitan natin at ng Dios (Gawa 10:36; Colosas 1:20).

Anong uri ng hari si Jesus para sa iyo?

Paano mo Siya pararangalan bilang Hari?

Isinulat ni K. T. Sim

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links