Ama Ng Kasinungalingan

·

·

Ama Ng Kasinungalingan

Basahin: Juan 8:39–47 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 1 Hari 10-11; Lucas 21:20–38

Kapag nagsasalita siya ng kasinungalingan, nagsasalita siya ayon sa kanyang kalikasan sapagkat siya’y sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan. — Juan 8:44 MBB

Nahawa si Victor sa mga kaibigang tumitingin sa malalaswang larawan at nalulong sa pornograpiya. Pero alam na niya ngayon na mali ito – isang kasalanan sa Dios – at nakasakit sa misis niya. Nangako siyang gagawa ng nararapat na hakbang para ‘di na ulit tumingin sa malaswang larawan pero kabado rin na baka huli na ang lahat. Masasalba pa ba ang relasyon nilang mag-asawa? Magbabago pa ba siya at mapapatawad nang lubusan?

May kalaban – ang demonyo – na naglalatag sa atin ng tukso, na kunwari maliit na bagay lang ito. Gawain din ‘yan ng iba. Ano bang masama diyan? Pero kapag nahulog na tayo sa patibong, iba na ang paraan niya. Huli na’ng lahat! Malala ka na. Wala nang pag-asang magbabago ka pa.

Ganyan nga sa pakikipaglabang espirituwal, sasabihin ng kalaban kahit ano para sirain tayo. Sabi ni Jesus: “Mamamatay tao na ito sa simula pa lang at hindi pumanig sa katotohanan kailanman dahil wala itong puwang sa kanya … likas siyang sinungaling at siya ang ama ng kasinungalingan” (Juan 8:44).

Hindi totoong maliit na bagay ang kasalanan natin at wala tayong pag-asang magbago. Kay Jesus tayo makinig, huwag sa kalaban. Ang pangako ni Jesus ang panghawakan natin: “Kung patuloy kayong susunod sa Aking turo, kayo nga’y tunay na mga alagad Ko. Makikilala ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo” (Tal. 31-32).

Nawawalan ka ba ng pag-asa dahil sa kasalanan mo?

Kay Jesus kaya o sa kalaban galing ang nararamdaman mo?

Anong pangako hango sa Biblia ang maaari mong panghawakan ngayon?

Jesus, namatay Ka’t nabuhay muli para palayain ako sa kasalanan. Tulungan Mo po akong isabuhay ang kalayaang bigay Mo sa akin.

Isinulat ni Mike Wittmer 

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links