Para Sa Sunflower

·

·

Para Sa Sunflower

Basahin: Colosas 2:6–14 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 Hari 7-9; Juan 1:1–28

Nalubos ang inyong buhay sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa kay Cristo. – Colosas 2:10 MBB

Magkaiba kami ng layunin sa sunflower (bulaklak na mirasol) ng mga usa sa lugar namin. ‘Pag nagtatanim ako, nananabik akong makita itong mamulaklak. Pero gusto lang ng mga usa na nguyain ang mga dahon at sanga hanggang walang matira. Taun taon ang laban – sinusubukan kong alagaan ang sunflower hanggang mamulaklak na hindi nalalamon ng mga usa. Minsan panalo ako; minsan naman, sila.

Kung iisipin ang buhay natin bilang tagasunod ni Jesus, madaling makita ang labanan sa pagitan natin at ng kaaway natin – si Satanas. Layunin natin ang paglago hanggang sa maging ganap ang ating espiritu upang mamuhay tayong napaparangalan ang Dios. Nais naman ng demonyo na lapain ang pananampalataya natin at pigilan tayong lumago.

Pero mas makapangyarihan si Jesus at kaya Niyang gawing ganap ang buhay natin (Colosas 2:10) at Siya ang dahilan kaya tayo nagiging lubos. Dahil nagtagumpay si Jesus sa krus ng kalbaryo, maaari tayong mangibabaw tulad ng magagandang sunflower.

Nang ipinako ni Jesus ang “mga akusasyon laban sa atin” (ang kabayaran ng kasalanan natin) sa krus (Tal. 14), tinalo na Niya ang kapangyarihang kumokontrol sa atin noon. Naging matatag at nakasalig tayo sa Kanya (Tal. 7) at binuhay tayo ng Dios kasama si Cristo. Kay Cristo mayroon tayong kapangyarihan (Tal. 10) upang labanan ang kaaway sa pag-atakeng espirituwal sa atin para mamukadkad tayo kay Jesus – at ipakita ang buhay na may tunay na kagandahan.

Saang bahagi ng buhay na nahahadlangan ng kaaway?

Paano mo ito ihinihingi ng tulong sa Dios?

O Dios, pagandahin Mo po ang buhay ko para sa’Yo. Tulungan Mo po akong labanan ang kaaway gamit ang kapangyarihan Mo.

Isinulat ni Dave Branon 

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links