Nakikita Ng Dios
Basahin: Genesis 16:7-16 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Salmo 29-30; Gawa 23:1-15
Ikaw ang Dios na Nakakakita. – Genesis 16:13
Single mom ang kaibigan kong si Alma. Noong iwan siya ng asawa niya, mag-isang dinala niya ang responsibilidad ng pagpapalaki sa kanyang mga anak. “Mahirap,” sabi niya, “pero alam kong nakikita ako ng Dios, kami ng pamilya ko. Binibigyan Niya ako ng lakas para gumawa ng dalawang trabaho, magtustos sa mga pangangailangan namin, at hayaang maranasan ng mga anak ko ang paggabay Niya sa bawat araw.”
Naintindihan ni Hagar, ang aliping taga-Ehipto, kung ano ang ibig sabihin ng ‘makita ng Dios.’ Matapos siyang magdalang-tao kay Abram, nagsimula siyang magalit kay Sarai (Genesis 16:4). Bilang ganti ay trinato siya nito nang hindi maganda, kaya tumakas si Hagar papunta sa disyerto. Nag-iisa si Hagar doon, nakaharap sa kinabukasang tila napakadilim at walang pag-asa para sa kanya at sa batang nasa sinapupunan niya.
Mahal na Dios, salamat po na hindi ako kailanman mag-iisa sa lakbayin ko sa buhay.
Pero doon sa disyerto niya nakilala ang isang “anghel ng Panginoon” (Tal. 7) na nagsabing, “pinakinggan ng Panginoon ang pagtawag mo sa Kanya” (Tal. 11). Ang anghel ng Dios ang gumabay kay Hagar kung ano ang gagawin, at siniguro Niya kung ano ang nakalaan sa kinabukasan. Mula kay Hagar, nalaman natin ang isa sa mga pangalan ng Dios—El Roi, “Dios na nakakakita” (Tal. 13).
Gaya ni Hagar, maaaring mahirap ang lakbayin, naroon ang pakiramdam ng pagkaligaw at pag-iisa. Pero alalahanin mo na kahit sa ilang, nakikita ka ng Dios. Tumawag ka sa Kanya at magtiwala kang gagabayan ka Niya.
Paano nakakatulong sa iyong pagharap sa mga pagsubok
ang malaman na nakikita ng Dios ang mga nangyayari sa atin?
Isinulat ni Karen Huang
Leave a Reply