Tinawag Para Lumago

·

·

Tinawag Para Lumago

Basahin: 2 Pedro 1:3–9 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Salmo 33-34; Gawa 24

Kung ang mga katangiang ito ay nasa inyo at lumalago, nagiging makabuluhan at kapaki-pakinabang ang pagkakakilala nʼyo sa ating Panginoong Jesu-Cristo. – 2 Pedro 1:8

Kakaibang nilalang ang sea squirt. Nakadikit sila sa mga bato at kabibe, mukhang malambot na tubong plastik na gumagalaw ayon sa agos ng tubig. Kumukuha ito ng nutrisyon mula sa tubig na dumadaan, namumuhay nang walang kibo, malayo sa dating aktibo nitong kabataan.

Nagsisimula ang buhay ng sea squirt bilang tadpole na may gulugod at utak na tumutulong para makahanap ito ng pagkain at makaiwas sa panganib. Bilang bata, ginugugol nito ang araw sa paglalakbay sa dagat, pero may ibang nangyayari kapag naging adult na ito. Hihinto ito sa bato, hindi na maglalakbay o lalaki pa. At ang nakakabigla, kinakain nito ang sarili nitong utak.

Walang gulugod o utak, nagpapaanod lang sa tubig. Inuudyukan tayo ni Apostol Pedro na huwag maging ganyan at huwag gayahin ang mga sea squirt. Dahil ang kahulugan ng pagtanda ay pakikibahagi sa kabanalan ng Dios (2 Pedro 1:4), tayo ay tinawag para lumago—sa pagkakilala kay Cristo (3:18); sa espirituwal na katangian gaya ng kabutihang-asal, pagtitiis, at pagpipigil sa sarili (1:5-7); sa praktikal na paghahanap ng mga bagong paraan para magmahal, makitungo, at maglingkod sa iba sa pamamagitan ng ating mga kaloob (1 Pedro 4:7-11).

Dahil sa paglagong ganito, magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang ang ating mga buhay (2 Pedro 1:8).

Sa tingin mo, anong katangian mo ang nais ng Dios na lumago?

Anong uri ng paglilingkod ang inuudyok ng Dios na subukan mo?

Isinulat ni Sheridan Voysey 

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links