Lakas Para Bumitaw

·

·

Lakas Para Bumitaw

Basahin: Isaias 40:28–31 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Salmo 72-73; Roma 9:1–15

Hindi siya napapagod o nanghihina. – Isaias 40:28

Gumawa ng world record ang weightlifter na si Paul Anderson sa 1956 Olympics sa kabila ng matinding impeksyon sa tenga at mataas na lagnat. Nangulelat siya noong una at ang tanging pag-asa niya para magka-gold medal ay kung makakagawa siya ng record sa huling event. Nabigo siya sa unang dalawang pagsubok niya.

Kaya ginawa niya ang isang bagay na kaya ring gawin ng pinakamahina sa atin. Tumawag siya sa Dios para humingi ng lakas, binitiwan niya ang sarili niyang lakas. At sa huling event, nabuhat niya ang 187.5 na kilo.

Isinulat ni Pablo, ang apostol ng Dios, “Kung kailan ako mahina, saka naman ako pinalalakas ng Dios” (2 Corinto 12:10). Ang sinasabi niya ay espiritwal na lakas, pero alam niyang ang kapangyarihan ng Dios ay “nakikita sa ating kahinaan” (Tal. 9). Gaya ng dineklara ni Propeta Isaias, “Pinalalakas Niya ang mga nanghihina at ang mga napapagod” (Isaias 40:29).

Saan ang daan papuntang kalakasan? Nasa pananatili kay Jesus. “Wala kayong magagawa kung hiwalay kayo sa Akin,” sabi Niya (Juan 15:5). Sinasabi nga lagi ng weightlifter na si Anderson, “Kung ang pinakamalakas na tao sa mundo ay hindi kayang makatapos ng isang araw nang walang lakas ni Jesu-Cristo, paano ka pa?” Puwede nating ihinto ang pagdepende sa sariling lakas, at hilingin sa Dios ang Kanyang malakas at nananaig na tulong.

Kapag dumepende ka sa lakas ng Dios at hindi sa sarili mo,

ano ang magiging resulta?

Paano ka nabibigyan ng lakas

ng pananatili mo kay Jesus?

Makapangyarihang Dios, mabigat po at malaki ang aming mga dalahin, pero ang pagsama Mo ay nagbibigay po sa amin ng lakas para magpatuloy at magtagumpay.

Isinulat ni Patricia Raybon

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recent Posts

Tags

There’s no content to show here yet.

Social Links