ANG MABUTING PASTOL
Basahin: EZEKIEL 34:11–16 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: LEVITICUS 1–3; MATEO 24:1–28
Kung paanong hinahanap ng pastol ang tupa niyang nawawala, gayon Ko hahanapin ang Aking tupa. — ᴇᴢᴇᴋɪᴇʟ 34:12 ᴍʙʙ
Nang marinig ni Pastor Warren na isang miyembro ng kanilang simbahan ang umiwan sa kanyang pamilya, hiniling niya sa Dios na mabigyan siya ng pagkakataong makita at makausap ito. Pinakinggan naman ng Dios ang panalangin niya. Nakita niya ang lalaki nang pumasok siya sa isang kainan. Nakapag-usap sila at nanalangin nang magkasama.
Tila naging isang pastol ng kanyang nasasakupan si Warren. Tulad ito ng sinabi ng Dios kay propeta Ezekiel, na aalagaan Niya ang Kanyang mamamayan. Ipinangako rin ng Dios na “dadalhin Ko sila sa sariwang pastulan; hahanapin Ko ang mga nawawala at naliligaw, ililigtas at titipunin Ko silang lahat at gagamutin Ko ang mga may sugat at may sakit, palalakasin Ko ang mahihina” (ᴇᴢᴇᴋɪᴇʟ 34:12-16). Makikita sa mga ito ang nag-uumapaw na pagmamahal ng Dios sa Kanyang bayan. Kapahayagan ng mga gagawin ng Dios sa hinaharap ang mga salitang ito ni Ezekiel. Pero bukod dito, nagpapakita rin ito ng walang hanggang pagmamahal ng Dios at ng Pastol na nagkatawang tao.
Anuman ang ating kalagayan, palagi tayong hinahanap ng Dios.
Anuman ang ating kalagayan, palagi tayong hinahanap ng Dios. Ninanais Niyang iligtas tayo at dalhin sa sariwang pastulan. Hinahangad Niyang sundan natin ang Mabuting Pastol, na inialay ang Kanyang buhay para sa Kanyang mga tupa (ᴛɪɴɢɴᴀɴ ᴀɴɢ ᴊᴜᴀɴ 10:14-15).
O Dios, salamat po at mahal pa rin po Ninyo ako kahit na naligaw at nalayo ako sa Inyo. Tulungan Mo po akong manatili sa piling Ninyo, upang matanggap ko ang Inyong pagmamahal at pag-aalaga.
Paano ka inaalagaan ni Jesus, ang Mabuting Pastol? Paano mo maipapaabot sa Kanya ang mga bagay na kailangan ng aruga o ang mga kahinaang gusto mong mapalakas?
Isinulat ni Amy Boucher Pye
Leave a Reply