HAMON UPANG MAGLINGKOD
Basahin: Juan 13:3–15 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 Samuel 1–2; Lucas 14:1–24
Maging Ako na Anak ng Tao ay naparito sa mundo, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod. – Mateo 20:28
Pinili ng labing-tatlong taong gulang na si DeAvion ang magtabas ng damo sa bakuran ng mga kapitbahay nila. Ginawa niya ito nang libre sa buong panahon ng kanyang bakasyon. Narinig kasi ni DeAvion at ng kanyang ina ang kuwento ng isang lalaking hinahamon ang mga kabataang ilaan ang kanilang bakasyon sa pagtulong sa ibang tao. Tinulungan nila ang mga matatanda, single parents, at mga taong may kapansanan. Kahit maraming ibang puwedeng gawin ang isang kabataang gaya ni DeAvion sa panahon ng bakasyon, pinili niyang maglingkod sa iba.
Gayundin naman, hinahamon ang mga nagtitiwala kay Jesus na maglingkod sa iba. Noong gabi bago mamatay si Jesus sa krus, kumain Siya ng hapunan kasama ang Kanyang mga kaibigan (ᴊᴜᴀɴ 13:1-2). Alam ni Jesus ang sasapitin Niyang paghihirap at kamatayan sa krus. Kaya naman, nagpakita Siya ng kamangha- manghang halimbawa ng paglilingkod sa Kanyang mga alagad. Hinugasan ni Jesus ang mga paa ng Kanyang mga alagad (ᴛᴀʟ. 3-5). Sinabi ni Jesus, “Kung ako na Guro at Panginoon ninyo ay hinugasan ang inyong mga paa, dapat ay ganoon din ang gawin ninyo sa isaʼt isa” (ᴛᴀʟ. 14).
Ang Panginoong Jesus ang perpektong halimbawa ng paglilingkod at pagmamalasakit sa ibang tao.
Ang Panginoong Jesus ang perpektong halimbawa ng paglilingkod at pagmamalasakit sa ibang tao. Pinagaling ni Jesus ang mga bulag at mga may sakit. Ipinahayag din Niya ang Magandang Balita tungkol sa Kanyang kaharian at inialay ang Kanyang buhay para sa lahat ng magtitiwala sa Kanya. Humingi ike clogposite 2024 colorway tayo ng gabay sa Panginoong Jesus upang dalhin Niya tayo sa mga taong nangangailangan ng ating paglilingkod.
O aking Dios, tulungan N’yo po akong maipadama OdegardcarpetsShops° , Adidas Runfalcon 2.0 C EU 33 , Cow Print Covers the Next Adidas SL 72 ang Inyong pagmamahal sa iba kung paano N’yo ako minahal.
Isinulat ni Anne Cetas
Leave a Reply