Church of Christ at San Antonio

PAGHILOM NG KALOOBAN

·

·

PAGHILOM NG KALOOBAN

Basahin: ISAIAS 61:1–3 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 HARI 1–3; LUCAS 24:1–35

Sinugo niya ako para aliwin ang mga sugatang-puso. – ISAIAS 61:1

Aktibo si Carson air jordan 4 retro red thunder. Mahilig siyang mangaso, mangisda, mag- bisikleta at iba pa. Pero naaksidente siya sa motorsiklo kaya hindi na niya maigalaw ang katawan niya mula dibdib pababa. Nakaranas siya ng depression o matinding kapighatian. Nawalan din siya ng pag-asa. Minsan, niyaya siya ng mga kaibigan para mangaso ulit. Habang nalilibang sa ganda ng kapaligiran, nalimutan niya ang kapansanan niya. Nagdulot ito sa kanya ng malalim na paghilom at nagbigay ng bagong layunin para sa buhay niya. Naisip niyang bigyan din ng ganoong karanasan ang mga tulad niya sa pamamagitan ng organisasyong “Hunt 2 Heal” (pangangaso Air Jordan 1 Outlet Store para sa paghilom). Tinawag niyang “hindi inaasahang biyaya” ang aksidente niya. Ngayon, nakakatulong siya sa iba— isang bagay na matagal na niyang gustong gawin. “Masaya ako,” dagdag pa niya. Nasasabik siyang makatulong sa paghilom ng mga may kapansanan at mga nag-aalaga sa kanila.

Sinabi na noon ni Propeta Isaias ang pagdating ng Siyang magdadala ng paghilom (ISAIAS 61). Siya ang magpapagaling sa “mga sugatang-puso” at mang-aaliw sa “mga nalulungkot” (TAL. 1-2). Matapos basahin ni Jesus ang mga talatang iyan sa sambahan ng mga Judio, sinabi Niya, “Ang bahaging ito ng Kasulatan ay natupad na sa araw na ito habang nakikinig kayo” (LUCAS 4:21). Dumating si Jesus para iligtas at pagalingin tayo.

Kailangan mo ba ng paghilom ng kalooban? Lumapit ka kay Jesus. Siya ang nagbibigay ng “awit ng kagalakan sa halip na kalungkutan” (ISAIAS 61:3 ᴍʙʙ).

Salamat po, Jesus, sa paghilom na ibinigay Mo sa akin at sa iba. Nananabik po ako sa kumpletong paghilom na mararanasan ko sa langit.

Anong paghilom ni Jesus ang kailangan mo? Sino ang puwedeng bahaginan mo tungkol sa handog na kaligtasan at paghilom ni Jesus?

Isinulat ni Anne Cetas 

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *