Church of Christ at San Antonio

KUMUSTA ANG PAGMAMANEHO KO?

·

·

KUMUSTA ANG PAGMAMANEHO KO?

Basahin: SANTIAGO 1:19–26 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 HARI 15–16; JUAN 3:1–18

Maging handa kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pananalita, at huwag agad magagalit. Sapagkat ang galit ay hindi nakakatulong sa tao para maging matuwid sa paningin ng Dios. – SANTIAGO 1:19–20

Napasigaw ako habang nagmamaneho dahil biglang lumitaw sa harap ko ang isang trak. May nakasulat na “Kumusta ang pagmamaneho ko?” at isang numero ng telepono sa likod. Tinawagan ko ang numero at nagreklamo. Sumagot ang isang babae. Kinuha niya ang numero ng plaka ng trak at pagod na sinabi, “Alam mo, puwede ring itawag ang maayos na pagmamaneho.”

Natauhan ako at nahiya sa ginawa ko Mayabang at para bang ako lang ang tama. Sa kagustuhan kong magkaroon Air Jordan 3 Retro: "Infrared 23" – Air Jordans, Release Dates & More – Cheap Cra-wallonie Jordan Outlet , Jordan Son of Mars Low Tour Yellow Arriving at Retailers ng hustisya, hindi ko naisip ang epekto ng galit ko sa babaeng ito, na mahirap ang trabahong ginagawa air jordan 1 retro low og sp varsity red hv6157 100. Hindi naging tugma ang asal ko at pananampalataya ko sa Dios. Nalungkot ako sa ginawa ko.

Sa Biblia, tinukoy iyan ni Santiago. “Tandaan n’yo ito, mga minamahal kong kapatid: ‘Maging handa kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pananalita, at huwag agad magagalit. Sapagkat ang galit ay hindi nakakatulong sa tao para maging matuwid sa paningin ng Dios’” (SANTIAGO 1:19-20). Dagdag pa niya, “Huwag lang kayong maging tagapakinig ng salita ng Dios kundi sundin nʼyo ang sinasabi nito” (TAL. 22). Lahat tayo ay nagkakamali. Minsan kailangan ng tulong ang “pagmamaneho” natin sa buhay. Tulong na nagsisimula sa pag-amin ng pagkakamali at paghingi ng tulong sa Dios. Magtiwala tayong patuloy Siyang kumikilos upang baguhin ang asal natin.

Ama, minsan po nananaig ang galit ko at nakakapagsalita ako ng masakit. Tulungan Mo po akong magbago.

Bakit nagdudulot ng problema ang mga salitang biglang binibitiwan habang galit? Paano mo mas maisasabuhay ang pananampalataya mo?

Isinulat ni Adam R. Holz 

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *