Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

BINUBUO NG DIOS

·

·

BINUBUO NG DIOS

Basahin: FILIPOS 1:3–6 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: NEHEMIAS 1–3; GAWA 2:1–21

Natitiyak kong ipagpapatuloy ng Dios ang mabuting gawain na sinimulan Niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Cristo Jesus. – FILIPOS 1:6

Habang nasa bahay ang aming pamilya noong nagkaroon ng pandemya, naisipan naming buuin ang isang puzzle na may halos walong libong piraso. Kahit na araw-araw namin itong binubuo, pakiramdam namin ay walang nangyayari sa aming ginagawa. Makalipas ang limang buwan, nabuo rin namin sa wakas ang malaking puzzle na ito.

Minsan, pakiramdam ko ay isang malaking puzzle din ang aking buhay. Tila may mga pirasong maayos na. Pero marami pa rin ang hindi pa maayos. Kahit na alam kong patuloy na kumikilos ang Dios sa aking buhay upang maging katulad ako ni Jesus, nahihirapan ako minsang makita ang mga pagbabagong ito.

Nagpapalakas sa akin ng loob ang sulat ni Apostol Pablo sa mga taga-Filipos. Sinabi niyang masaya siya sa tuwing nananalangin para sa kanila dahil nike sabrina 1 brooklyn fq3381 301 sa mabubuting bagay na kanilang ginagawa (1:3-4). Pero hindi sa kakayahan ng mga taga-Filipos nagtitiwala si Pablo, kundi sa kakayahan ng Dios na ipagpatuloy ang mabuting gawain na sinimulan Niya sa kanila (TAL. 6).

Nangako ang Dios na Siya ang magtatapos ng mabuting gawa na sinimulan Niya sa ating buhay. Kahit na tila hindi natin nakikita ang pagbabago sa ating buhay, magiging panatag tayo sa katotohanang ang matapat nating Dios ang patuloy na kikilos sa ating buhay.

Panginoon, tulungan N’yo po akong makita kung paano Kayo kumikilos sa aking buhay.

Paano ka magtitiwala na kumikilos ang Dios sa iyong buhay? Ano-ano ang magagandang ginawa ng Dios sa iyong buhay?

Isinulat ni Lisa M. Samra

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *