Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

ALALAHANIN ANG SAKRIPISYO

·

·

ALALAHANIN ANG SAKRIPISYO

Basahin: 1 CORINTO 11:23–28 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: ESTER 6–8; GAWA 6

Tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom ng inuming ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa Kanyang pagbabalik. – 1 CORINTO 11:26

Minsan, niyaya ako ng aking kaibigan na kumain sa isang kainan. Nang dumating kami roon, napansin namin ang ilang mga bagong kasal na papunta sa Tomb of the Unknown Soldier. Isa itong monumento para alalahanin ang mga sundalong nagsakripisyo noong Unang Digmaang Pandaigdig pero ang mga labi ay hindi nakilala. Nag-alay ng mga bulaklak ang mga bagong kasal habang inaalala ang sakripisyo ng magigiting nike sabrina 2 sneaker release date na mga sundalo.

Lubos ang pasasalamat natin sa mga taong nagsakripisyo para matamasa natin ang mga bagay na mayroon tayo ngayon. Pero hindi maikukumpara sa kahit ano pa man ang sakripisyong ginawa ni Jesus para sa atin. Sa krus lamang natin makikita ang dakilang sakripisyong ginawa ni Jesus para iligtas tayo.

Ipinapaalala rin naman sa atin ng tinapay at ng inumin tuwing Banal na Hapunan ang sakripisyong ginawa ni Jesus. Isinulat ni Pablo, “Tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom ng inuming ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa Kanyang pagbabalik” (1 CORINTO 11:26). Tuwing Banal na Hapunan, maalala nawa natin na palaging magpasalamat sa lahat ng ginawa ni Jesus para sa atin.

Mapagmahal na Dios, walang katumbas ang pag-ibig na ipinakita ni Jesus sa krus ng kalbaryo. Tulungan N’yo po akong ipakita ang aking pasasalamat sa lahat ng ginawa ni Jesus para sa akin.

Ano ang laman ng puso mo tuwing tatanggap ka ng Banal na Hapunan? Paano mo mapapasalamatan si Cristo sa Kanyang sakripisyo para sa iyo tuwing ipinagdiriwang ang Banal na Hapunan?

Isinulat ni Bill Crowder

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *