NAIS NG PUSO
Basahin: 2 HARI 5:20–27 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOB 5–7; GAWA 8:1–25
Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan, naroon din ang inyong puso. – MATEO 6:21
Noong 1700, may ilang taong naghukay sa Oak Island sa bansang Canada. Inakala kasi nilang may kayamanang nakatago roon. Pero wala naman silang nakita. Sa paglipas ng panahon, maraming tao rin ang naghukay roon sa pag-asang makakakita sila ng kayamanan. Sa ngayon, nasa halos tatlumpung metro na ang lalim ng nahukay sa lugar na iyon.
Ipinapakita best nike running shoes ng kuwentong ito ang kinahuhumalingan ng puso ng tao. May mababasa rin namang kuwento sa Biblia na nagpapakita kung ano ang kinahuhumalingan ng puso ng tao. Matagal nang katulong ni Propeta Eliseo si Gehazi. At nang tanggihan ni Eliseo ang mga regalong kaloob sa kanya ni Naaman matapos itong gumaling mula sa ketong, gumawa ng kuwento si Gehazi para makakuha sa mga dalang regalo (2 HARI 5:22). Pag-uwi ni Gehazi, nagsinungaling siya kay Eliseo (TAL. 25). Pero alam ni Eliseo ang ginawa ni Gehazi. Tinanong siya ni Eliseo, “Hindi mo ba alam na ang espiritu ko ay naroon, nang bumaba si Naaman sa karwahe niya para salubungin ka?” (TAL. 26). Dahil sa ginawa ni Gehazi, nalipat sa kanya ang malubhang sakit ni Naaman (TAL. 27).
Mag-ingat tayo sa mga bagay na ninanais ng ating puso. Ang tunay na makapagpupuno ng hinahangad ng ating puso ay ang pagsunod natin kay Jesus.
Panginoon, tulungan N’yo po akong naisin ang mga bagay na nakakalugod sa Iyo.
Ano ang pinakahinahangad ng iyong puso? Anu-ano ang mga bagay na ginagawa mo na hindi naman nakapagpupuno sa nais ng iyong puso?
Isinulat ni Tim Gustafson
Leave a Reply