PAGTANGGAP NG PAGTATAMA
Basahin: SANTIAGO 3:2–11 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: KAWIKAAN 6–7; 2 CORINTO 2
Wala pang nakakapagpaamo sa dila. – SANTIAGO 3:8 ᴍʙʙ
Tinuruan ng kaibigan kong si Michelle ang anak ko kung paano mangabayo. Nang air jordan 3 black cement 2024 ipakita niya paano rendahan ang kabayo, ipinaliwanag din niya gaano kahalaga ang renda. Ginagamit daw ito para kontrolin ang bilis at direksyon ng kabayo. Doon ko nakita kung gaano kaimportante ang renda kahit maliit lang ito.
Gayundin naman Лижний костюм термо мембрана 3к crivit, німеччина — цена 2350 грн в каталоге Зимние комбинезоны ✓ Купить детcкие вещи по доступной цене на Шафе , Украина #143349903 ang dila. Bagama’t maliit ito, malaki ang impluwensiya ng dila dahil dito nagmumula ang ating mga salita (SANTIAGO 3:3, 5). Puwedeng maging mabuti o masama ang mga salita natin. “Sa pamamagitan ng dila, pinupuri natin ang ating Panginoon at Ama, pero sa pamamagitan din nito ay isinusumpa natin ang ating kapwa” (TAL. 9). Sinasabi sa Biblia na mahirap kontrolin ang salita natin. Bumubukal kasi ito mula sa ating puso (LUCAS 6:45). Mabuti na lang at nariyan ang Banal na Espiritu na nananahan sa atin. Sa tulong Niya, nakakapamuhay tayo nang may pagtitiis, kabutihan, at pagpipigil sa sarili (GALACIA 5:22-23). Kung tutugon tayo sa Kanya, mababago ang puso natin, pati na rin ang mga salita natin. Mapapalitan ng pagpupuri ang pagrereklamo. Matututunan nating magsabi ng katotohanan at hindi ng kasinungalingan. At sa halip na paninira, lalabas ang mga salitang nakapagpapalakas ng loob mula sa ating mga labi.
Higit sa pagsasabi ng mga tamang salita, mas mahalagang tanggapin natin ang pagtatama ng Banal na Espiritu. Tanging sa tulong Niya magiging pagpapala ang ating mga salita.
Panginoon, baguhin Mo po ang aking puso para maging pagpapala sa iba at maging kalugod-lugod sa Iyo ang aking mga salita.
Anong mga nakatagong ugali ang lumalabas sa iyong mga salita? Paano mo hahayaang kumilos sa iyo ang Banal na Espiritu para mabago ang mga salita mo?
Isinulat ni Jennifer Benson Schuldt


Leave a Reply