HANDA NA
Basahin: FILIPOS 1:21–30 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: ISAIAS 23–25; FILIPOS 1
Nais ko nang pumanaw sa mundong ito upang makapiling ni Cristo… Ngunit mas kailangan pang manatili ako sa buhay na ito. – FILIPOS 1:23–24 ᴍʙʙ
Noong panahon ng COVID-19 pandemic, marami ang namatayan… Tulad ko. Pumanaw ang aking ina sa edad na 95 noong Nobyembre 27, 2020. Hindi man COVID-19 ang ikinamatay niya, pero dahil bawal ang malakihang pagtitipon-tipon, hindi namin siya lubusang naipagluksa. Hindi nakapagsama-sama ang aming pamilya para parangalan si Nanay. Wala ring nakapunta para makiramay. Gayunpaman, nagkaroon kami ng kapayapaan sa laging sinasabi ni Nanay. Kung pauuwiin na raw siya ng Dios sa langit, handa na siya. Sa katunayan, nasasabik na siya. Kung paano hinarap ni Nanay ang buhay, ganoon din niya hinarap ang kamatayan—puno ng pag-asa.
Tulad ni Pablo. Nang malaman niyang maaari na siyang patayin anumang oras, nasabik nike sabrina 1 brooklyn fq3381 301 siyang umuwi kay Cristo: “Sapagkat para sa akin, ang buhay ay para kay Cristo at ang kamatayan ay pakinabang…May pagtatalo Disney Brings Marie to An Adidas Originals Capsule for 55th Anniversary of The Aristocats , OdegardcarpetsShops° , adidas slides price philippines today online sa loob ko; nais ko nang pumanaw sa mundong ito upang makapiling ni Cristo, sapagkat ito ang lalong mabuti. Ngunit alang-alang sa inyo, mas kailangan pang manatili ako…” (FILIPOS 1:21, 23-24 ᴍʙʙ).
Ang pag-asa sa kabilang-buhay kasama si Cristo ang magbabago ng pagtanaw natin sa kamatayan.
Ang pag-asa sa kabilang-buhay kasama si Cristo ang magbabago ng pagtanaw natin sa kamatayan. Ito rin ang magbibigay ng kapayapaan sa ating mga naulila, maging sa gitna ng pagluluksa. Kaya kahit nalulungkot tayo, hindi tayo nagdadalamhating “gaya ng iba na walang pag-asa” (1 TESALONICA 4:13). Dahil nagtitiwala tayo kay Cristo, at alam nating pagkatapos ng kamatayan, may buhay na walang hanggan sa piling Niya.
Panginoon ng Pag-asa, ipaalala N’yo po sa akin ang katagumpayan ni Jesus laban sa kamatayan.
Paano mo hinaharap ang mga banta sa mundo? Paano makakatulong sa iyo ang pag-asang nagmumula kay Cristo?
Isinulat ni Bill Crowder
Comments (0)