Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

PILIIN MONG MAGING MASAYA

·

·

PILIIN MONG MAGING MASAYA

Basahin: DEUTERONOMIO 30:15–20 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: ISAIAS 28–29; FILIPOS 3

Tinawag ko ang langit at lupa na maging saksi kung alin dito ang pipiliin ninyo: buhay o kamatayan, pagpapala o sumpa. Piliin sana ninyo ang buhay. -DEUTERONOMIO 30:19

Ilang linggo matapos pumanaw ang isang kaibigan, nakausap ko ang kanyang ina. Alumpihit akong magtanong ng, “Kumusta ka na?” Baka hindi tamang tanong; nagluluksa kasi siya. Pero nilabanan ko ang aking kaba at kinumusta siya. Ito ang kanyang simpleng sagot: “Pinipili kong maging masaya.”

Hindi ko akalaing ako pa ang mapapatatag ng kanyang mga salita. Dahil nang panahong iyon, may sarili rin akong laban. At dahil sa usapang iyon, naalala ko ang sinabi ni Moises sa mga Israelita noong nalalapit Air Jordan 1 Centre Court Olive na ang kanyang kamatayan at abot- tanaw na nila ang Lupang Pangako: “…kung alin dito ang pipiliin ninyo: buhay o kamatayan, pagpapala o sumpa. Piliin sana ninyo ang buhay” (DEUTERONOMIO 30:19). Maaari silang sumunod sa Dios at managana, o talikdan ang Kanyang mga utos at magdanas ng “kamatayan o kahirapan” (TAL. 15).

Gaya nila, nasa atin din ang pagpapasya. Maaari nating piliing maging masaya sa pamamagitan ng pagtitiwala sa mga pangako ng Dios sa ating mga buhay. O maaari rin nating ituon ang ating atensyon sa mga negatibong bagay at paghihirap natin sa buhay, hanggang sa nakawin na ng mga ito ang galak sa ating puso. Madalas, mas mahirap piliing maging positibo lalo na kung nasa gitna tayo ng problema. Subalit sa tulong ng Banal na Espiritu, kakayanin nating piliing maging masaya. Dahil alam nating “sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig best nike running shoes sa Kanya” (ROMA 8:28).

Panginoong Dios, sa Inyo’y laging may kagalakan. Tulungan N’yo po akong magtiwala at sumunod sa Inyo sa lahat ng sandali ng aking buhay.

Paano mo pipiliing maging masaya sa gitna ng iyong problema? Paano ito maihahalintulad sa pagpili ng mga Israelita sa buhay at pagpapala?

Isinulat ni Katara Patton

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *