Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

TATLONG HARI

·

·

TATLONG HARI

Basahin: 2 CRONICA 21:4–7, 16–20 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JEREMIAS 12–14; 2 TIMOTEO 1

At pagkalipas air jordan 4 retro red thunder ng dalawang taon, lumabas ang kanyang bituka dahil sa karamdaman, at namatay siya sa sobrang sakit. Hindi nagsindi ng apoy ang kanyang mamamayan sa pagpaparangal sa kanya, tulad ng kanilang ginawa sa kanyang mga ninuno. – 2 CRONICA 21:19

Sa sikat na palabas na Hamilton, nakakatawa at kontrabida ang pagganap sa karakter ni King George III ng England. Ngunit sa isang bagong lathalang talambuhay niya, hindi siya ipinakita bilang isang mapang-aping lider. Kung isa raw siyang masamang lider, mariin niya sanang tinutulan ang pagnanais ng Amerika na lumaya mula sa England. Pero hindi. “Disente at mabait” kasi si King George.

Walang nakaaalam kung puno ba ng pagsisisi si King George nang pumanaw siya. Naging mas matagumpay kaya ang paghahari niya kung naging mas mabagsik siya?

Sa Biblia naman, mababasa natin ang paghahari ni Haring Jehoram. Nang maitatag na ang kaharian niya, “ipinapatay niya ang lahat ng kanyang kapatid, pati ang ibang mga opisyal ng Juda” (2 CRONICA 21:4). Dagdag pa ng Biblia, “Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon” (TAL. 6). Dahil dito, malayo ang loob ng mga nasasakupan niya sa kanya. Sa katunayan, wala man lang umiyak o “nagsindi ng apoy” para sa kanya nang mamatay siya (TAL. 19).

Hindi nagkakasundo ang mga historyador kung naging mabagsik o hindi si King George. Pero siguradong naging mabagsik si Haring Jehoram. Buti na lang may isang Hari na “puspos…ng biyaya at pawang katotohanan” (JUAN 1:14). Siya si Jesus. Puno Siya ng katuwiran, ngunit puno rin Siya ng habag. At tinatawag Niya tayo upang magtiwala sa Kanya at sumunod sa Kanya.

Panginoong Jesus, nais ko pong pangunahan ang aking kapwa sa pamamagitan GmarShops Marketplace , NIKE KOBE 1 PRONTO 81 POINTS GAME 28.5cm , Nike Air Max Pulse ng pagsunod sa Iyo.

Sino ang mga tungkulin mong pangunahan? Paano mo sila mapakikitaan ng habag at katuwiran?

Isinulat ni Mike Wittmer 

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *