PAGLILIGTAS NG DIOS
Basahin: SALMO 40:1–4 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JEREMIAS 32–33; HEBREO 1
Para akong nasa malalim at lubhang maputik na balon, ako ay kanyang iniahon at itinatayo sa malaking bato, upang hindi mapahamak. – SALMO 40:2
Tinawag na “anghel dela guwardiya” si Jake Manna. Isang araw kasi, pinili niyang huminto sa gitna ng trabaho para sumama sa paghahanap sa isang nawawalang batang babae. Habang naghahanap ang iba sa mga bahay at bakuran, napunta si Jake sa kakahuyan. Doon niya nakita ang bata. Nakalubog ito hanggang baywang sa maputik na tubig sa latian. Dahan dahan niyang nilusong ang putik para iligtas ang bata at ibalik marcus jordan net worth sa nanay niya. Puno naman ng pasasalamat ang ina.
Tulad ng bata, nakaranas din si Haring David ng pagliligtas. Ayon sa Salmo 40, matiyaga siyang naghintay sa Dios para sa katugunan sa mga panaghoy niya (TAL. 1). Tumugon naman ang Dios. Iniahon siya at inalis mula sa “malalim at lubhang maputik na balon” (TAL. 2). Naranasan na niya noon ang pagliligtas ng Dios mula sa mapuputik na yugto ng buhay. Kaya naman lubos na nag-alab ang pagnanais niyang umawit ng papuri sa Dios. Nadagdagan din ang pagnanais niyang patuloy na magtiwala sa Dios para sa hinaharap at ibahagi ang kuwento ng kabutihan ng Dios sa iba (TAL. 3-4).
Handa ang Dios na tulungan tayo sa oras ng ating pangangailangan.
Sa pagharap natin sa mga pagsubok ng buhay—kakulangan sa pera, hindi pagkakaunawaan sa pamilya, at iba pang uri ng kakulangan—lumapit nawa tayo sa Dios at matiyagang maghintay sa pagtugon Niya (TAL. 1). Handa ang Dios na tulungan tayo sa oras ng ating pangangailangan at bigyan nike duckboot phantom gt2 academy indoor soccer Jordan tayo ng matatag na batong matatapakan.
Maibiging Dios, matiyaga po akong maghihintay sa Iyong pagliligtas.
Kailan ka iniligtas ng Dios mula sa mahirap na sitwasyon? Paano nakakatulong ang mga karanasang iyon para magtiwala ka sa Kanya?
Isinulat ni Marvin Williams


Comments (0)