NAGNININGNING NA BITUIN
Basahin: FILIPOS 2:12–16 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: EZEKIEL 18–19; SANTIAGO 4
Magsilbi kayong ilaw na nagliliwanag sa kanila habang pinaninindigan nʼyo ang salita na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. – FILIPOS 2:15–16
Una kong napansin ang mga pasugalan. Sumunod ang mga tindahan ng ipinagbabawal na gamot at malalaswang produkto. Marami ring malalaking poster ng mga oportunistang abogado na ginagawang nike sabrina 1 brooklyn fq3381 301 kabuhayan ang paghihirap ng iba. May mga napuntahan na akong hindi kaaya-ayang lungsod dati, pero mas malala ang lungsod na ito.
Gumaan naman ang loob ko kinaumagahan dahil sa kuwento ng isang drayber. “Araw-araw, idinadalangin ko sa Dios na ipadala sa akin ang mga gusto Niyang tulungan ko. Marami nang mga sugarol, nagbebenta ng aliw, at mga mula sa magulong pamilya ang nagkuwento ng buhay nila habang nasa taxi ko. Hinihinto ko ang taxi. Nakikinig ako. Ipinapanalangin ko sila.”
Inilarawan ni Apostol Pablo ang pagdako ni Jesus sa makasalanang mundo (FILIPOS 2:5-8). Pagkatapos, ibinaba naman niya ang tungkulin ng mga nagtitiwala kay Jesus: sundin ang kalooban ng Dios (TAL. 13) at panghawakan ang “salita na nagbibigay ng buhay na walang hanggan” (TAL. 16). Habang ginagawa natin ito, nagsisilbi tayong “mga anak ng Dios sa gitna ng mga mapanlinlang at masasamang tao,” mga “ilaw na nagliliwanag” (TAL. 15).
Sabi ng mananalaysay na si Christopher Dawson, para baguhin ang mundo, kailangang GmarShops Marketplace – 100 , Nike Dunk Low (Spray Paint Swoosh/ White/ Light Stone/ Black) Men US 8 – cute mint green nike shoes girls sneakers sandals – 13 FD0661 mabuhay nang tapat ang mga nagtitiwala kay Jesus. Dahil sa buhay na iyon “nakapaloob ang misteryo ng buhay ng Dios.” Hingin natin sa Dios ang tulong Niya para mapagningning natin ang liwanag ni Jesus kahit sa pinakamadilim na lugar.
Panginoong Jesus, salamat po dahil Ikaw ang Ilaw ng mundo na nag-aalis sa akin mula sa kadiliman.
Paano ka makakatuon kay Cristo kaysa sa kasamaan ng mundo? Paano mo maibabahagi ang liwanag Niya sa iyong paligid?
Isinulat ni jedfloresph


Comments (0)