PINAKAMAINAM ANG PLANO NIYA
Basahin: SALMO 13 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: LEVITICUS 26-27; MARCOS 2
Panginoon, hanggang kailan N’yo ako kalilimutan? Kalilimutan N’yo ba ako habang buhay? Hanggang kailan ba Kayo magtatago sa akin? – Salmo 13:1
Makasaysayan ang United Kingdom. Dito, makikita ang iba’t ibang plake na nagbibigay parangal sa mga mahahalagang tao o gumuginita sa mga makasaysayang pangyayari. Ngunit may isang karatula kung saan makikitang mapagpatawa ang mga Briton. Sa labas ng isang kainan sa bayan ng Sandwich sa bansang England, may lumang Teka-marburgShops , Nike Air Dunk Jumbo 'Medium Olive' , The Stussy X Nike Air Zoom Spiridon Cage 2 "Black Grey" Has Surfaced plake na may mensaheng, “Sa lugar na ito, walang nangyari noong Setyembre nike sabrina 1 brooklyn fq3381 301 5, 1782.”
Katulad ng mensahe sa plake, minsan, para bang walang nangyayari sa ating mga panalangin. Paulit-ulit tayong nananalangin at humihiling sa Dios Ama, habang umaasang agad Niyang ibibigay ang ating hiling. Naranasan din iyon ng salmistang si David, “Panginoon, hanggang kailan N’yo ako kalilimutan? Kalilimutan N’yo ba ako habang buhay? Hanggang kailan ba Kayo magtatago sa akin? (SALMO 13:1). Madali rin nating sambitin ang ganoong mga kataga. Panginoon, kailan po Ninyo sasagutin ang aking panalangin?
Ngunit hindi lamang ang karunungan ng Dios ang ganap, kundi pati ang panahon ng Kanyang pagtugon. Kaya nasabi ni David, “Panginoon, naniniwala po ako na mahal N’yo ako. At ako ay nagagalak dahil iniligtas N’yo ako” (TAL. 5). Pinaaalalahanan din tayo ng Mangangaral, “Ginawa niya ang bawat bagay na maganda sa kapanahunan niyon” (3:11 abab). Dito, nangangahulugan ang salitang “maganda” ng “angkop” o “nagbibigay-galak.” Maaaring hindi laging sinasagot ng Dios ang ating mga panalangin sa oras o paraang nais natin. Ngunit palagi Niyang isinasagawa ang Kanyang mga mainam na layunin. Kaya makaaasa tayong laging tama, mabuti at maganda ang tugon Niya sa atin.
Kailan ka nanalangin na parang hindi tumutugon ang Dios? Ano ang natutunan mo sa paghihintay mo?
Mapagmahal na Dios, tulungan Mo po akong manalangin at maghintay nang may pagtitiyaga at pagtitiwala sa Iyo.
Isinulat ni Bill Crowder


Leave a Reply