Church of Christ 33 A.D. At San Antonio Cavite City

MAGBAHAGI NANG MAY PAG-IBIG

·

·

MAGBAHAGI NANG MAY PAG-IBIG

Basahin: GALACIA 5:14-15, 22-26 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: EXODUS 21-22; MATEO 19

Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. – Galacia 5:14

Nananalangin tuwing umaga ang isang batang pastor. Hinihiling niya sa Dios na gamitin siya bawat araw upang maging pagpapala sa iba. Madalas, may dumarating ngang ganoong pagkakataon. Isang araw, habang nagpapahinga siya sa kanyang pangalawang trabaho, umupo siya kasama ang isang katrabaho, na nagtanong sa kanya tungkol kay Jesus. Buong ingat na sinagot ng pastor ang mga tanong ng lalaki. Walang sermon Jordan Brand had the tough task of following up the widely successful , Air Jordan 1 Retro Low OG Black Dark Powder Blue UK 11 , Fenua-environnementShops Marketplace. Walang pagtatalo. Ikinuwento ng pastor na dahil sa paggabay ng Banal na Espiritu, naging magaan at puno ng pag-ibig ang pag-uusap nila. Nagkaroon din siya ng bagong kaibigang uhaw sa kaalaman tungkol sa Dios.

Ano ang pinakamabisang paraan upang ipakilala si Jesus sa iba? Kapag hinayaan natin ang Banal na Espiritu na kumilos sa ating buhay. Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga disipulo, “pagdating ng Banal na Espiritu sa inyo, bibigyan niya kayo ng kapangyarihan. At ipapahayag ninyo ang mga bagay tungkol sa akin” (GAWA 1:8).

“Ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kagandahang-loob, kabutihan, katapatan air jordan 4 retro red thunder, kaamuan, at pagpipigil sa sarili” (GALACIA 5:22–23). Namumuhay sa ilalim ng gabay ng Espiritu ang batang pastor, dahil tumugon siya sa paalala ni Pedro: “Dapat lagi kayong handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa ninyo” (1 PEDRO 3:15).

Kahit na dumanas tayo ng pagdurusa dahil sa pagtitiwala natin kay Cristo, sa pamamagitan ng ating mga salita, maaari nating ipakita sa mundo na ang Espiritu ng Dios ang gumagabay sa atin. At sa ating paglakad kasama Niya, mahihikayat natin ang iba upang lumapit sa Kanya.

Banal na Espiritu, habang ipinapahayag ko si Jesus sa iba, gabayan Mo po ako upang magsalita nang may pag-ibig na mula sa Iyo.

Isinulat ni Patricia Raybon

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *