Church of Christ 33 A.D. At San Antonio Cavite City

PAGBIBIGAY NA MAY PAG-IBIG

·

·

PAGBIBIGAY NA MAY PAG-IBIG

Basahin: KAWIKAAN 11:24-25 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: EXODUS 31-33; MATEO 22:1-22

Ang mga taong mapagbigay ay lalong yumayaman. – Kawikaan 11:24

Suot ni Gwendolyn Stulgis ang pangarap niyang damit pangkasal. Ngunit pagkatapos, ipinamigay niya rin ito upang magamit pa ng iba. Ayon kay Stulgis, mas mainam na ginagamit ang damit kaysa maluma sa taguan. Maraming kababaihan ang sumang-ayon. Makikita sa social media ni Stulgis ang mga kababaihang nagbibigay o tumatanggap ng mga segunda-manong damit pangkasal. Sabi ng isa sa mga nagbigay, “Nakatutuwa naman ‘pag maraming gagamit ng aking damit pangkasal hanggang sa masira adidas puremotion shoes halo blue womens , The adidas ZX 8000 GORE – TEX Golf Appears in 'Core Black' – OdegardcarpetsShops° at maluma ito sa dami ng mga gumamit.”

Bukod sa tuwa, may pagpapala rin ang taos-pusong pagbibigay. Ayon sa Biblia, “Ang mga taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit ang mga taong sakim ay hahantong sa kahirapan. Ang taong mapagbigay ay magtatagumpay sa buhay; ang taong tumutulong ay tiyak na tutulungan” (KAWIKAAN 11:24-25).

Sa Bagong Tipan, itinuro rin ni Apostol Pablo ang pagbibigay. Nang mamaalam siya sa mga taga Efeso air jordan 1 retro low og sp varsity red hv6157 100, ipinanalangin sila ni Pablo (GAWA 20:32) at pinaalalahanan tungkol sa kahalagahan ng pagbibigay. Inihalimbawa rin niya ang sarili para tularan nila, “Ginawa ko ito upang maipakita sa inyo na sa ganitong pagsusumikap ay matutulungan ang mga dukha. Lagi nating alalahaning sabi ng Panginoong Jesus na mas mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap” (TAL. 35).

Kung magiging mapagbigay tayo, masasalamin natin ang ating mapagbigay na Dios. “Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Dios sa mga tao: Ibinigay Niya ang Kanyang Bugtong na Anak…” (JUAN 3:16). Nawa, sa biyaya at gabay ng Dios, tularan natin ang Kanyang halimbawa ng pagbibigay.

Anong mahalagang regalo ang ibinahagi mo kamakailan lang? Paano ito nakatulong sa iba?

Mahal na Ama, nawa maging bukas po ang aking mga palad upang magbigay nang may pagmamahal.

Isinulat ni Patricia Raybon

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *