MALAKING PAG-IBIG

·

·

MALAKING PAG-IBIG

Basahin: 1 PEDRO 2:11-12 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOSUE 13-15; LUCAS 1:57-80

Ipakita n’yo sa mga taong hindi kumikilala sa Dios ang matuwid ninyong pamumuhay… at luluwalhatiin nila ang Dios sa araw ng pagdating niya. – 1 Pedro 2:12

Nakakuwentuhan ko sa eroplano ang katabi kong pasahero. Ayon sa kanya, hindi siya relihiyoso. Pero nakatira siya sa lugar na maraming nagtitiwala kay Jesus. Palasimba ang karamihan sa kanila. Sabi pa niya, hindi niya kayang suklian ang kabutihan ng mga kapitbahay niya. Ginawan nila ng rampa ang maysakit niyang ama nang tumira ito sa kanya. Nag-ambagan pa sila para bilhan ng kama at ibang mga gamit ang tatay niya. Ayon sa kanya, “Kung nagpapabait ang pagiging mananampalataya, dapat maging mananampalataya ang lahat.”

Ito mismo ang gustong marinig ni Jesus! Sabi Niya, “Pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa mga tao, upang makita nila ang mabubuting gawa ninyo at pupurihin nila ang inyong Amang nasa langit” (MATEO 5:16). Ganito rin ang itinuro ni Apostol Pedro, “Ipakita n’yo sa mga taong hindi kumikilala sa Dios ang matuwid ninyong pamumuhay. Kahit adidas Gazelle sneakers pinararatangan nila kayo ngayon ng masama, sa bandang huli nike sabrina 1 brooklyn fq3381 301 ay makikita nila ang mga kabutihang ginagawa n’yo at luluwalhatiin nila ang Dios” (1 PEDRO 2:12).

Amang nasa langit, hayaan Mo pong magliwanag Ka sa buhay ko.

Huwag tayong mag-alala kung hindi pa maintindihan ng mga kakilala natin ang ating pananampalataya. Ang mahalaga, alam nila kung gaano kalaki ang pag-ibig natin sa kanila. Manghang- mangha ang katabi ko sa eroplano sa mga kapitbahay niya. Ayon sa kanya, kahit hindi siya “katulad nila,” may malasakit sila sa kanya. Alam niyang dahil iyon kay Jesus at ipinagpapasalamat niya iyon sa Dios. Hindi man siya naniniwala sa Kanya, ipinagpapasalamat naman niya ang mga naniniwala kay Jesus.

Sinong kakilala mo ang nangangailangan kay Jesus? Paano mo ipapakita ang pagmamahal sa iba alang-alang sa Kanya?

Amang nasa langit, hayaan Mo pong magliwanag Ka sa buhay ko.

Isinulat ni Mike Wittmer



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *