PAG-IBIG SA KAPWA AT SA DIOS
Basahin: MATEO 25:31-40 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOSUE 19-21; LUCAS 2:25-52
Sinasabi Ko sa inyo ang totoo, nang ginawa n’yo ito sa pinakahamak Kong mga kapatid, para na rin n’yo itong ginawa sa Akin. – Mateo 25:40
Bihirang mangyari sa isang pamilya ang magkasunod na magkaanak ng kambal sa loob lamang ng 13 buwan. Ito ang nangyari sa pamilyang Alba. Paano nga ba nila nagawang mag-alaga ng apat na anak habang nagtatrabaho? Sa tulong ng kanilang mga kaibigan at pamilya. Sa umaga, inaalagaan ng mga lolo’t lola ang mga bata para makapagtrabaho ang mag-asawa. Nagbigay naman ng isang taong suplay ng diaper ang isang kompanya. Samantala, ibinigay ng mga kasamahan nila sa trabaho ang mga araw ng bakasyon nila para sa mag-asawa. “Hindi namin ito magagawa kung wala ang suporta nilang lahat,” ang sabi ng mag-asawa. Sa isang panayam nga sa kanila, kahit ang host air jordan 13 black flint ng programa ay hinabol ang isang anak nilang tumakbo, katunayan na marami talagang tumutulong sa kanila.
Sa Mateo 25:31-46, itinuro ni Jesus na kapag pinaglilingkuran natin ang ating kapwa, pinaglilingkuran din natin Siya. Dito, inisa-isa Niya ang mga paglilingkod sa kapwa na maaaring gawin gaya ng pagbibigay ng pagkain, inumin, tahanan, at damit sa mga nangangailangan (TAL. 35-36). Pagkatapos, sinabi Niya, “Sinasabi Ko sa inyo ang totoo, nang ginawa n’yo ito sa pinakahamak Kong mga kapatid, para na rin n’yo itong ginawa sa Akin” (TAL. 40).
Nawa ang kaalamang si Jesus ang tunay na pinaglilingkuran natin ang magtulak sa atin upang tumulong sa ating kapwa. Kapag nagsasakripisyo tayo ADIDAS Originals SL72 OG sneakers in blue para sa iba, pinaglilingkuran natin Siya. At kapag minamahal natin ang ating kapwa, minamahal natin Siya.
Paano mo mapaglilingkuran si Jesus sa iyong komunidad sa araw na ito? Paano mo mamahalin ang Dios sa pamamagitan ng pagmamahal sa iyong kapwa?
Mapagmahal na Dios, ipakita N’yo po sa akin ang pangangailangan ng iba para matulungan ko sila at mas maipakita kong mahal Kita.
Isinulat ni Elisa Morgan


Leave a Reply